Buhay ni Deniece Cornejo nasa panganib; baka resbakan daw ng mga fans ni Vhong | Bandera

Buhay ni Deniece Cornejo nasa panganib; baka resbakan daw ng mga fans ni Vhong

Ervin Santiago - August 09, 2014 - 03:00 AM


Nasa panganib daw ang buhay ni Deniece Cornejo. Ito ang ipinahayag ng abogado ng nakakulong na modelo kung kaya kontra sila sa paglipat nito sa Camp Bagong Diwa.

Hindi kasi kinatigan ng Taguig court ang apela ng kampo ni Deniece na manatili na lamang ito sa kulungan ng Camp Crame sa Quezon City. Ayon sa abogado ni Deniece kailangang maprotektahan ang buhay ng kanyang kliyente.

Nauna nang inilipat sa Camp Bagong Diwa ang dalawa pang akusado sa kaso ni Vhong Navarro – sina Cedric Lee at Simeon Raz, Jr..”Unang-una po, ‘yung danger po sa life. Siyempre, si Mr. Vhong Navarro, may mga fans po ‘yan.

Baka po siya buweltahan,” ayon kay Atty. Ferdinand Topacio sa interview ng Aquino & Abunda Tonight. “Secondly po, ito naman po ay detention prisoner lamang.

Siya po ay nakakulong hindi bilang parusa, ngunit dahil wala pa po siyang pinapayagang bail at siya po ay nililitis. Hindi pa po kaparusahan ‘to. Hindi pa siya nako-convict,” chika  ng abogado.

Dinenay din nito na binibigyan ng special treatment si Deniece sa loob ng kulungan,  “If you will look at the condition noong kanyang detention area, sinasabi nila may aircon.

Meron nga pong aircon, pero we’re at the wrong end of the aircon. Kami ‘yung binubugahan ng mainit. “And ‘yung other side naman ay kitchen, so you can just imagine.

Ako nga po, the first time I visited, namalat po ako, eh, because of the heat,” sey pa nito.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending