Reklamo vs Adamson inaksyunan | Bandera

Reklamo vs Adamson inaksyunan

Liza Soriano - August 08, 2014 - 03:00 AM

INAMIN ng pamunuan ng Adamson University na marami nga silang reklamong natanggap mula sa mga freshmen at second year college students dahil sa umano’y sapilitang pagpapakuha ng Reserve Officers’ Training (ROTC).

Ito ay base na rin sa reklamong natanggap ng Aksyon Line dito sa Bandera mula sa isang faculty member hinggil sa umano’y pagsalungat sa karapatan ng mga estudyante na mamili kung anong programa ang kukunin nila sa ilalim ng National Service Training Program (NSTP) law o RA 9163.

Ayon sa reklamo, ilang mga estudyante ng Adamson ang pinilit na mag-enroll sa ROTC bagamat may pagpipilian naman na CWTS (Civic Welfare Training Service) and LTS (Literacy Training Service) sa ilalim ng NSTP — isang paglabag sa karapatan ng mga mag-aaral na makapili base na rin sa probisyon nang nasabing batas.

Dahil dito, minarapat ng Aksyon Line na kunin ang pahayag ng pamunuan ng Adamson University hinggil sa reklamong ito.
Sa panayam ng Aksyon Line ng Inquirer-Bandera kay Atty. Agnes Velasquez-Rivera, director for the Office of Legal Affairs, na madali nilang inaksyunan ang reklamo matapos itong lumabas sa pahayagan.

“I think that article came out a week ago July 25… and from the time that article came out, immediately, our Vice President for Academic Affairs called for a meeting especially with person in charge of NSTP, Dr. Naresia Ballena , Dean of the College of Nursing and they discussed with us what kind of adjustment are to be made”, ayon kay Atty. Rivera.

Siniguro ni Atty. Rivera na ang lahat ng estudyante ay hindi pipilitin na mag-enroll sa ROTC, gaya nang naireklamo.
“Lahat ng gustong mag-enroll of their choice, not necessarily ROTC, they were given that freedom to transfer to CWTS (Civic Welfare Training Service) and LTS (Literacy Training Service),” paniniyak ni Atty. Rivera.

Paglilinaw pa ng abogado, bago pa naisiwalat ng Bandera ang reklamo, ay ginawan na umano nila ng paraan ang mga reklamo ng mga estudyante.

“After receiving several letters of complaint from freshmen first week of July, Dr. Ballena acted upon positively about those letters,” dagdag pa nito.

Sa reklamo na umano’y mayroon pang ilang estudyante ang hindi nakakalipat ay bibigyan sila ng pagkakataon na makapili ng gusto nilang program.

Ayon kay Atty. Rivera, ngayong darating na Linggo, Agosto 10, ay bibigyan nila ng pagkakataon ang mga naka-enroll na sa ROTC na makalipat sa CWTS o magkakaroon sila ng announcement para sa mga nagsisimula na o naka –enrolled na sa ROTC kung nais pa nilang lumipat sa CWTS o LTS.

At dahil natapos na aniya ang pre-lim grades ng mga estudyante sa mga kumuha ng ROTC ay inatasan nang Pangulo ng Adamson University si Dean Ballena na makipag-coordinate sa ROTC commandants bago pa man ang announcement.
Dagdag pa nito, “Ang choice nila up to this time they can exercise that freedom of choice on or until Sunday.”

Samantala, nakausap din ng Aksyon Line ang head ng NSTP na si Dr. Ballena, na siyang inireklamo.
Inamin nito na may ginawa nga siyang quota system at hindi ito naiabiso sa pangulo ng unibersidad dahil nasa abroad ito.
Itinanggi rin nito ang reklamo na tinakot niya ang mga estudyante na nais magpalipat mula sa ROTC sa community service.
Labis din siyang nasorpresa sa lumabas sa pahayagan gayong naaksyunan na umano ang problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang mahirap sa kalagayan ko ang pangalan ko nakalagay pero ang nagsulat ay wala”. pahayag pa ni Dr. Ballena.
Tumanggi ang nagreklamo na ipalathala ang kanyang pangalan dahil sa takot na mabalikan siya at matanggal sa trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending