Mahabang guhit, suwerte (2) | Bandera

Mahabang guhit, suwerte (2)

Joseph Greenfield - August 07, 2014 - 01:34 PM

Sulat mula kay Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Problema:
1.      Natatakot ako na hindi ko na maaabot ang pangarap kong ganap na maging health worker balang araw, at lisensiyado pa ng Professional Regulation Commission.  Ang aking pag-aaral sa kolehiyo ay nakasalalay palagi sa kikitain ng kapirasong bukid na minana ng aking mga magulang.  Dumaan ang matagal na ulan at binaha ang mga pananim.
2. Pati nga ang budget sa aming pagkain ay apektado na ng patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat na bilihin.  Hindi na nga ako nakapag-enroll at sa susunod na semester ay malabo pa rin.  Walang trabaho rito kaya gusto ko nang mag-abroad pero magulo raw ngayon sa Middle East.  Makapaga-abroad ba ako?  Makatatapos ba ako sa pag-aaral at magiging ganap na lisensiyadong health worker?
Umaasa,
Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Sa pamamagitan ng sariling kayod, diskarte at pagsisikap, ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing maipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral at makatatapos ka sa iyong kurso.  Bukod dito, isang babaing isinilang sa zodiac sign na Taurus ang mag-alok sa iyo ng trabaho.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaing magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend, at ang boyfriend mong ito, bukod sa pagiging working student mo ay matutulungan ka rin sa aspetong financial.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ng husto ang graph ng Career at Pag-ibig sa taon 2017, kung saan sa nasabing panahon, makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon, makapag-aasaa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-gradueyt sa college at pag-aasawa doon na rin magsisimulang umunlad ka at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

Colina, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran, kung saan, magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong napili mo hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa  magkaroon ng maunlad at  maligayang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending