Grace Lee dapat pagalitan ni P-Noy | Bandera

Grace Lee dapat pagalitan ni P-Noy

- February 18, 2012 - 02:37 PM

Siya raw ang ayaw tumigil  sa pagdakdak

HATI ang opinyon ng mga kababayan natin as far as our President Noynoy’s status is concerned. May mga natutuwa sa pagkaka-link nito Grace Lee, isang TV anchor of Korean heritage.

Hindi yata umubra si P-Noy sa mga Pinay ladies kaya sa may dugong banyaga siya nahuhulog.

Meron ding nabubwisit sa isyu sa kanila ni Grace dahil parang doon na lang daw naka-focus si P-Noy at parang nadidiskaril daw ito sa kanyang posisyon bilang pangulo ng bansa.

“Some say na this is one diversionary tactic for the president para hindi masyadong masilip ng mga tao ang mga pangit nilang performances sa pamahalaan natin

. Kaya kita n’yo naman, dati sinasabi niyang he wants his lovelife kept private at ayaw niyang pinagpipistahan ito.

“Hindi ba’t ilang beses niyang pinagalitan  si Kris dahil sa kadaldalan nito about his lovelife?

Bakit ngayon, hinahayaan lang niyang magpa-interview si Grace Lee left and right at itong babae naman, hindi pa man First Lady, demanding na.

“Kung kastiguhin niya yung columnist na nagsulat about her and P-Noy ay ganu’n na lang at parang may tono pa ng pagbabanta na demanda for writing daw false issues on her.

Teka lang naman, siya itong painterbyu nang painterbyu, ‘tapos pag may naisulat na hindi paborable sa kanya, magtataray na?

Hindi pa First Lady iyan, ha? Kaya dapat, si Grace ang pagsabihan ni P-Noy hindi ang media.

“May sinabi si P-Noy na huwag naman daw i-harass ang pamilya ni Grace sa isyu nilang dalawa.

Hindi naman siguro hina-harass ang family ni Grace, it’s just that, because they are an item kaya naging interesante ang press na malaman ang reaksiyon ng family ni Grace about them.

Wala naman sigurong masama du’n, tsaka si Grace naman ang dakdak nang dakdak. Kakaloka sila!” mahabang pahayag ng nakatsika namin.

Tama! Dapat si Grace  ang pagsabihan o di kaya’y pakiusapan ni P-Noy na tumigil na sa kadadaldal tungkol sa kanilang dalawa. Kung gusto nila, magpakasal na sila and for all we care.

Hindi yung gagawa sila ng issue tapos pag may pumatol ay maiirita sila. Lovelife pa lang iyan pero pikon na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What more kung usapang-pulitika na at hindi pabor sa kanila, baka ipakulong ka pa nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending