GOOD Morning po.
Ako po ay taga DECA HOMES, Loma De Gato, Marilao, Bulacan.
Hihingi po sana kami ng tulong regarding sa Water Supply namin dito sa St. CECILIA Phase, DECA HOMES, Loma De Gato.
Maraming taon na po kaming nagtitiis sa problema namin sa tubig. Ang supply po ng tubig ay nanggagaling sa MARWADIS pero dumadaan pa po sa aming developer na CERES Homes.
Kaya naman pong mag-supply nito 24/7 pero hinahadlangan ng CERES sa dahilang pinagkakakitaan po nila ito. Ang minimum po ng MARWADIS ay P270, pero ang binabayaran po naming minimum ay P440, tapos po ang bukas ng tubig ay mula alas-4 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga. Martes, Huwebes at Sabado lang po, pag Linggo naman alas-10 ng gabi hanggang alas-12 lang ng gabi.
Dati po ang bukas nila alas-3 ng umaga hanggang alas-5, marami pong nagrereklamo, kasi nga po hindi namin kakayanin ‘yung ganoong oras para mag-ipon ng tubig dahil po nagtatrabaho rin kami.
Nasabi po naming pinagkakakitaan nila dahil kinokontrol po nila ang pagbubukas ng tubig, sa dalawang oras na tulo ng tubig ay halos wala ka pong maiipon dahil mahina ang pressure. Kaya po ‘yung nakukonsumo namin ay wala pa sa minimum pero magbabayad kami ng minimum. At ang sabi po nila (CERES) kung gusto daw po namin ng 24/7 na supply, gagawin daw pong P600 ang minimum.
Humihingi po kami ng tulong kasi ilang beses na pong nagkausap ang Homeonwers at CERES, kasama na rin po ang
aming brgy. chairman pero puro pangako lang sila.
Unang pangako nila ay gagawing regular ang supply ng tubig noong Marso 27 pero hindi po natupad. Sunod po ay Abril 27, Mayo 27, June 27 at itong huli po ay July 28, pero hindi pa rin po natupad.
Engineer Larry po ang pangalan ng nangangasiwa ng CERES Homes. ang Tel # – 533-3915 to 17 – Mandaluyong office; 042 – 382-0144 – Marilao Office. Umaasa po kami sa inyong tulong.
Homeowner,
DECA HOMES,
Loma De Gato,
Marilao, Bulacan
REPLY: Nakikipag ugnayan na po ang Aksyon Line sa Ceres upang hingin ang kanilang panig. Abangan po sa mga susunod na kolum ng Aksyon Line ang gagawing tugon ng ahensiya. Hihingin din natin ang tulong ng lokal na pamahalaan ng Marilao, Bulacan sa problemang ito.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.