Ate Guy todo ang suportang ibinigay kay Eugene sa ‘Barber’s Tales’
May guest appearance pala si Nora Aunor sa “Barber’s Tales”. We thought part ng opening ceremony ang “Barber’s Tales” ng CineMalaya that opened last night sa CCP, hindi pala.
Opening on Aug. 16, marami nang awards and international film festival ang naikutan ng movie ni Jun Lana around the world so handa na itong magpakitang gilas sa mismong bansa natin.
This stars Eugene Domingo, Iza Calzado and Mr. Eddie Garcia together with Gladys Reyes, Daniel Fernando, Nonie Buencamino and Shamain Buencamino.
This is the controversial movie kung saan may kissing scene sina Eugene and Iza and also the return of sir Eddie in an unforgettable performance after “Bwakaw”.
And to make the movie bigger, may cameo performance ang superstar na si Ms. Nora in the movie. Take note nga pala, parang ito ang first movie ni Eugene na straight drama with no comedic scene at all so we look forward to watching this. Ms. Eugene has been very nice to us in New York noon so we like to help on this project.
Sa kuwento, si Marilou (Eugene) ay isang biyuda na matagal nang naghahanap ng pagmamamahal at pagpapahalaga sa mundong ginagalawan niya.
Nang magtangka siyang maging barbero, maraming kilay ang tumaas at nagduda ang bayan kung kaya nga ba ng isang babae na gampanan ang tradisyunal na trabaho ng isang lalaki.
Habang tinatahak ni Marilou an landas na hindi karaniwan sa mga kababaihan ng kanilang bayan, unti-unting namumulat ang mga mata sa mga katotohanan sa paligid niya.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.