Kaya itinago ang relasyon nila ni John
Finally ay inamin na rin ni John Prats ang matagal na naming alam na girlfriend niya si Bianca Manalo.
Actually, nasulat na namin before na magdyowa naman talaga ang dalawa, hindi lang nila ito maamin dahil kabi-break pa lang ni John kay Rachelle Ann Go.
Naging issue ang break-up nina Rachelle at John dahil the singer was the last one to know na break na pala sila ng dancer-actor.
Nanligaw rin pala si Jake Cuenca kay Bianca pero binasted niya ito dahil kabi-break lang nito kay Melissa Ricks.
At ang katwiran pa ni Bianca, friend niya si Melissa at hindi niya ito kayang traydurin.
Marahil ay nag-decide na rin sina John at Bianca na umamin na dahil matagal na rin ang panahong nakalipas after the actor-dancer’s break-up with Rachelle Ann.
Actually, noon pa naman gustong aminin ni John na sila na nga ni Bianca kaya lang ay pinipigilan siya ng dalaga dahil nga sa fear nitong mabansagan siyang mang-aagaw ng boyfriend.
Todo-deny pa si Bianca noon na nililigawan siya ni John at sinabing friends lang sila ng actor. ‘Yun pala, totoong sila na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.