Ayuda sa OFW | Bandera

Ayuda sa OFW

Liza Soriano - August 02, 2014 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line

Ako po ay si Mrs. Estelita Espiritu, ang anak ko po ay isang OFW sa Singapore na mahigit ng dalawang taon nagtratrabaho doon. Nagtrabaho rin siya ng humigit-kumulang na 10 taon sa Qatar.

Kami po ay sa Caloocan naninirahan at nakapagtayo na po kami ng dalawang outlet ng buko juice at ‘yan po ang aming pinakakakitaan sa ngayon. Nabalitaan po namin na meron daw livelihood o nagpapautang ang OWWA sa mga kagaya ng anak ko na OFW.

Gusto po naming humingi ng tulong sa inyong programa para maka-avail ng nasabing assistance. Maari po bang kami ninyong matulungan sa OWWA? Lubos po kaming gumagalang sa inyo at nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon sa walang sawang pagtulong ninyo sa nangangailangan,

Maraming salamat po. Gumagalang Estelita Espiritu

REPLY: May P2 bilyong pondo ang nakalaaan sa reintegration program ng gobyerno kasama na ang mga repatriated at gusto nang muling manirahan dito sa Pilipinas ang inilaaan ng gobyerno para sa mga OFWs.

Ito ay isa lamang na ayuda ng ating gobyerno para sa social protection na ibinibigay serbisyo ng kanilang ahensya.

Sapat na kapital ang loan program na ito, depende na lang kung magkano at ano ang negosyo na papasukin ng isang OFW. P300,000 hanggang P2 milyon ang pwedeng utangin. Ito ay non-collaterized loan.

Ang Landbank ang namamahala sa pagpapautang na mayroon lamang 7.5 percent na maaaring bayaran sa loob ng limang taon at may grace period na dalawang taon.

Noong Hunyo 2011 ay inilunsad ni Pangulong Aquino ang P2 billion Reintegration Program for OFWs sa layuning hikayatin ang mga ito para manatili na lamang sa bansa at magtayo ng sariling negosyo.

Bukod pa rito, meron ding tinatawag na OWWA-NLDC livelihood Development Program na kung saan ang OFW ay pwedeng humiram o umutang ng halagang P200,000 hanggang P2 milyon, ngunit dapat sila ay may grupo.

Upang higit na maunawaan, maaari kayong magpunta sa aming tanggapan sa OWWA Bldg, F.B. Harrison st., Pasay City at magtungo sa aming tanggapan sa advocacy and social marketing division.

Dir. Ronald Mina Chief, advocacy and social marketing division

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya. Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk – Mag-usap Tayo, tuwing Lunes,

Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending