Paolo Bediones pinatunayan na di siya beki
Naging malaking panggulat ang sex video na kinasasangkutan ni Paolo Bediones para sa ating mga kababayan dahil seryoso ang linyang kinabibilangan niya—tagapagbalita.
Newscaster kasi si Paolo, seryoso ang kanyang dating habang nasa harap ng mga camera ng telebisyon, kaya nang lumabas ang kanyang sex video ay napakaraming nagulantang.
Pero nilinaw ng kampo ng newscaster na hindi naman naganap ang pakikipagtalik niya sa isang starlet nu’ng nakaraang taon lang, lalong hindi ilang buwan pa lang ang nagaganap, 2009 pa nang magsalo sila sa pisikal at seksuwal na pagniniig ng naturang babae.
At nang dahil sa sex video ay dalawang matagal nang paghusga kay Paolo Bediones ang nalinawan. Isinasali kasi ang kanyang pangalan sa listahan ng mga male personalities na may kuwestiyonableng kasarian.
Lalaki raw ang gusto ng news anchor at hindi babae, tagong-tago raw ang kanyang mga milagro, pero ngayon ay napabulaanan ‘yun ni Paolo dahil sa sex video niyang pinagpipistahan na ngayon ng buong bayan.
May kaibigan nga kaming bading na propesor na dati’y walang pakialam sa matinding trapik tuwing umuuwi ito mula sa kolehiyong kanyang pinagtuturuan. Pero mula nang mapanood nito ang sex video ni Paolo Bediones, aba, maaga na itong umuuwi para mapanood si Paolo sa panggabing sultada ng Aksyon ng TV5.
Sinuportahan ng kanyang network si Paolo Bediones, ayon sa pamunuan ng TV5 ay napakapersonal na aspeto ‘yun ng buhay ng newscaster na hindi nila nais saklawan, napakalaking bagay nu’n para sa isang personalidad na hinuhusgahan ng bayan.
May leksiyon nang naibigay kay Paolo Bediones ang nangyari, napakahalaga ng pag-iingat sa lahat ng pagkakataon, hindi dapat nagpapatalo sa init ng katawan at emosyon ang kahit sino.
Pampublikong pigura man o pribadong tao ang sangkot sa usapin, ang pag-iingat ay dapat palaging nasa prayoridad, para makaiwas sa pagpipista at sa kahihiyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.