Ilabas ang tunay na kulay | Bandera

Ilabas ang tunay na kulay

Dr. Hildegardes Dineros - July 30, 2014 - 03:00 AM

KARANIWANG mapuputi ang balat ng mga Caucasian kaya naman “puti” ang tawag sa kanila. Ang mga “itim” naman na galing sa African continent ay ang kabaligtaran nito.

Sa gitna ay ang “brown-skinned race” gaya ng mga Asyano, kasama na rito ang Pilipino. May “yellow race”—ang mga Chinese na napakapino ng balat.

May kanya-kanyang katangian ang balat ng tao—depende sa kanyang pinanggalingan na dugo at klima. Ibinigay sa tao ang kulay ng kanyang balat ayon sa kanyang pangangailangan.

Ang problema nga lang ay ang kakulangan ng pagkakuntento sa kulay ng balat. Karaniwan din sa kaisipan ng tao na makitang mas kaakit-akit ang mga bagay na kulang sa kanya.

Dahil dito, ang isang puting Amerikano ay gustong magpapaaraw hanggang masunog ang balat dahil gusto niyang umitim.

“Dark is beautiful,” ika nga. Meron naman nagpupunta sa mga “tanning salon” para roon magpaitim.

Sa mga Pilipino, usong-uso ang magpaputi ng balat dahil lang sa pananaw na kapag maputi ay makinis tingnan.

Nagkakagulo ang mga kababayan natin, lalo na ang kababaihan sa naisin na maging maputi at mapakinis ang balat kung kaya’t ang daming mga produktong naglipana (dermatologicals) ang nasa merkado.

Ang malaking problema nga lang ay ang kakulangan ng impormasyon hinggil sa balat at mga sakit nito. Kulang din ang impormasyon hinggil sa kung safe at epektibo nga ba ang mga produktong ito.

Kaya nga imbes na gumanda, merong mga kumplikasyon ang lumalabas at lalong nagiging pangit ang balat.

Suliranin din ng gobyerno kung paano kontrolin ang laganap na pagkalat ng mga cosmetic products.

Ang nagbebenta nga ba ang may kasalanan kung bakit nalapnos ang mukha o ang kaisipan ng tao na hindi makuntento sa kung ano ang meron siya?

Kamakailan lang ay nagbabala ang ahensya ng gobyerno, ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) tungkol sa “mercury poisoning” na makukuha sa paggamit ng mga cosmetic products.

Hindi lahat ng naa-advertise, kasama na ang mga naggagandahang mukha sa mga billboard ay makatotohanan.

Ngayon, ang skin whitening o skin bleaching ang uso, pagpapaputi para maging mala-porselana ang balat! Totoo ba ito? May katotohanan, kasi marami ang gumagawa nito kasama na ang mga dermatologist.

Nandyan na sumikat ang glutathione, iba’t-ibang sabon gaya ng kojic, glycolic at iba pa.

Ang mekanismo para sa pagpapaputi ay ang mabawasan ang melanin pigments sa balat. Ang ultraviolet rays ang siyang sanhi ng pagdami ng melanin, kaya naman ang maitim na balat ay tinataguriang sunog sa araw.

Ano ang mga paraan para pumuti ang balat?

Umpisahan natin sa prevention o ang pag-iwas sa ultraviolet rays na maliban sa pagdami ang melanin pigments, natutuyo rin ang balat. Para malabanan ang mabilis na skin aging, kailangan gumamit ng sunscreen o sunblock kung hindi maiiwasan lumabas at ma-expose sa araw. Kalinisan ng balat ay mahalaga rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa susunod na kabanata ay tatalakayin natin ang mga produktong pampaputi na tiyak ay ginagamit mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending