Jinggoy sa loob ng kulungan: Gusto na naming magsisigaw sa sobrang lungkot! | Bandera

Jinggoy sa loob ng kulungan: Gusto na naming magsisigaw sa sobrang lungkot!

Cristy Fermin - July 29, 2014 - 03:00 AM


Linggo nang makapananghali nang dumating kami sa PNP Custodial Center para dumalaw sa dalawang aktor-pulitikong malapit sa aming puso.

Marami nang nandu’n, puno na ang mga tents sa tapat ng kanilang mga pansamantalang bahay sa loob ng kampo, parehong naka-shorts at t-shirt lang sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla.

Ang mahigpit nilang yakap ay may ipinapahiwatig, ang pagkainip na sa loob at pagkasabik sa isang buhay na malaya, pero wala silang pamimilian sa ngayon kundi ang manatili muna sa kanilang kanlungan.

Nandu’n siyempre ang kani-kanilang mga pamilya, punong-abala sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita sina Congresswoman Lani Mercado at Precy Ejercito, tumutulong naman ang kanilang mga anak at office staff sa mainit na pagtanggap sa mga kaibigan ng dalawang senador na hindi nakalilimot dumalaw.

Totoo ang kanilang sinabi na nanunuot sa kalamnan ang sobrang init sa lugar na pinagdalhan sa kanila, puro semyento ang paligid, tuyong-tuyo kaya madalas diligin ng kanilang mga tauhan ang pader at daanan para lang lumamig nang kaunti.

“Kapag wala na ang mga dumadalaw, du’n na namin nararamdaman ang matinding lungkot. Lalo na kapag Linggo nang gabi, walang dalaw kinabukasan, gusto na naming magsisigaw sa sobrang lungkot,” pahayag ni Senador Jinggoy.

“Halos magkapalitan na kami ng mukha ngayon dahil kaming dalawa lang ang nandito. Nagbabasa ako ng Bible, ng mga librong bigay ng daddy ko, napakalungkot ng buhay dito,” sabi naman ni Senador Bong.

Nasa EDSA na kami ay bitbit pa rin namin ang lungkot. Naiwanan ang puso namin sa dalawang senador. Ang buhay talaga, parang life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending