Serye ni Piolo sa Dos sinasabotahe raw kaya talo sa rating | Bandera

Serye ni Piolo sa Dos sinasabotahe raw kaya talo sa rating

Alex Brosas - July 28, 2014 - 03:00 AM

TILA nawawala na nang unti-unti ang magic ni Piolo Pascual. Kulelat sa lahat ng primetime bida shows ng ABS-CBN ang bagong launch na teleserye ng hunk actor. Talung-talo ito sa newcomer ng GMA 7 na si Miguel Tanfelix.

Mas pinapanood kasi ang soap ng bagets kaysa sa teleserye ni Papa P.Sa isang survey ng AGB ay nagtala ang Niño  ng 27% vs. Hawak Kamay na 19.2%. Pinataob din ng soap ni Miguel ang primetime teleserye ni Piolo sa pilot episode nito.

Aligaga nga ang mga tao sa likod ng soap ni Piolo dahil sadsad sila sa rating. Lahat ng primetime series nila ay wagi pero bukod-tanging kay Papa P lang ang hindi makaabante sa rating.

Eh, kasi naman, puro mga DA WHO ang kasama ni Papa P. wala siyang major major support. Parang sa kanya lang nakaatang ang lahat. Tapos, ang masakit, siya ang sisisihin dahil hindi nagre-rate ang kanyang teleserye.

Parang unfair din sa kanya. ‘Yung ibang series, sandamakmak ang mabibigat na supporting cast samantalang sa kanya ay so so lang. With that, lumalabas na parang hindi pantay ang laban.

May favoritism nga ba sa Dos? Tru kaya na may nananabotahe sa serye ni Papa P?

( Photo credit to piolo pascual official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending