Bossing walang awang ‘pinatay’ ng sindikato sa FB
Nakakaloka ang mga imbentor sa social media. Kumalat kasi recently ang chikang tegi na (patay na) si Vic Sotto.
Kumalat ang “Vic Is Dead” story sa Facebook na ikinaloka ng mga fans ng veteran comedian.
Since usung-uso ang mga celebrities na pinapatay sa social media, wala namang naniwala sa kumalat na chikang pumanaw na si Vic. Sino nga naman ang maniniwala noon, eh, araw-araw nasisilayan ang komedyante sa noontime show ng Siyete?
Isa pa, wala namang napabalitang sakit ang comedian kaya malabong maging true ang chismis. Sabi nga ni Sen. Tito Sotto, marami raw kasi ang naiinggit kay Vic kaya siguro may nagpalabas na maling balita about his brother.
Teka, bakit nga ba sunud-sunod ang mga “pinapatay” na celebrities sa social media? Isa lang kaya ang gumagawa noon? Ano ‘yon, trip-trip lang?
( Photo credit to vic sotto official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.