Kris, P-Noy nganga, napahiya sa madlang pipol
Tulad ng kanyang kapatid ay naunsiyami si Kris Aquino dahil walang sumunod sa pagsusuot niya ng kulay dilaw kamakailan. Kinarir niya ang panawagan ng kanyang kapatid na pangulo, ang mga nakikisimpatya raw sa labang pinagdadaanan nito ay maaaring magsuot ng dilaw, bilang pakikisimpatya sa kanya.
Pero naging bulag at bingi ang mas nakararami nating kababayan, ang mga alipores lang ng pangulo ang nakarinig sa kanya, saka si Kris Aquino na palaging naka-yellow dress at blouse sa kanyang mga shows.
Ceasefire ang pinaiiral ngayon ng aktres-TV host, wala siyang gaanong pinalulutang na isyu tungkol sa kanyang personal na buhay, nagsawa rin siguro siya dahil walang pumapatol sa kanyang mga kalokahan.
Tahimik ang kampo ni Mayor Herbert Bautista, umalis si James Yap kasama ang karelasyong Italyana ng basketbolista na si Michaela Cazzola, naiwang luhaan si Kris.
Ano pa ang bagong papuputukin niyang kontrobersiya kung ganu’n na wala nang pumapatol sa kanya? Kahit nga ang ipinipilit niyang paglalapit ng kalooban nila ni Derek Ramsay ay hindi rin naman naging mabenta?
Sabi na nga, darating ang panahon na magngangawa man si Kris Aquino ay konti na lang ang papatol sa kanyang mga pinagsasasabi.
Dala na kasi sa kanya ang mga kababayan natin, umay na, dahil palagi namang napapako lang ang mga pangakong binibitiwan niya sa publiko.
Unti-unting mararamdaman ni Kris ang pagkauta ng ating mga kababayan, siya mismo ang makakapansin nu’n, hindi ibang tao. Ang mangyayari kapag ganu’n ay makikisakay na lang muna siya uli sa mga personalidad na mainit na pinagpipistahan.
Sa paggising niya ay magtatanong uli siya sa kanyang staff, “Who’s sikat today?”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.