Ser Chief sawa na, ‘Be Careful’ hanggang January, 2015 | Bandera

Ser Chief sawa na, ‘Be Careful’ hanggang January, 2015

Julie Bonifacio - July 26, 2014 - 03:00 AM


VERY successful ang thanksgiving concert ng buong cast ng Be Careful With My Heart sa Araneta Colisem last Friday. Ilang araw ding nag-reheasre ang buong cast for the show headed by Richard Yap.

Sulit naman daw dahil napasaya nila ang solid followers ng show. Dahil thanksgiving concert ang ginawa nila, marami tuloy ang nag-iisip na malapit nang matapos ang kanilang morning drama-series sa ABS.

May tsika nga na baka towards the end of the year ay magpaalam na sa ere ang show. “Well, wala namang nagtatapos na December na show, e, usually, mga January siguro,” pahayag ni Richard.

But whatever happens, ke mag-end  ito na this year or early 2015  handa na naman daw si Richard. “Oo naman, tanggap ko. I think ang haba na rin nang na-run namin. I think there’s always an ending to something.

So, we don’t know. Baka they’ll take about making it into a weekly show, pwede pa rin, ‘di ba? Or if there’s another show,” sabi niya. Tama naman si Richard when he said na mahaba-haba na rin naman ang itinakbo ng show.

Kaya tinanong namin siya Richard kung dumarating siya sa point na nananawa na siya sa kanyang role as Sir Chief. “Well, siyempre, siguro most of the actors they feel that kapag matagal na ‘yung show mag-i-stagnate na siya doon.

In a way may konting ganoon. Pero ang dami pa kasing nagka-clamour to continue the show. E, kaya syempre, we still try to give our best.”

In fairnesss, hindi pa rin naman nagsasawa ang viewers kay Richard and Jodi Sta. Maria kaya mataas pa rin ang rating ng show nila. In fact, dumarami rin ang gumagawa ng family-oriented shows ngayon at nagiging competitor ni Richard sa ganyang role, “We don’t think naman about the competition. Everybody has their own ano thing,” diin niya.

For sure, kahit mag-end na ang Be Careful may mga naka-reserve nang projects for him ang Kapamilya network. And after ng show nila sa Araneta Coliseum, malamang kasunod na ang big solo concert ni Richard.

“Ah, hindi pa ako ready. Ayoko pa. Gusto ko pa magkaroon ng more experience, more exposure performing, sa mga small shows muna bago ako mag-major,” ngiti niya.

Naniniwala siya na kusang darating ang opportunity for his big solo concert at the right time. Pero bago ‘yun, may show ulit si Richard. This time, sa Europe naman kasama ni Vice Ganda.

May apat na shows daw ng “I-Vice Ganda Mo ‘Ko!” sa Europe. Sa rami ng raket ni Papa Richard, biniro namin siya na super yaman na ngayon.

“Hindi naman ‘yun anng habol ko, e. Ang habol ko lang is that I can provide for my kids. Mapagtapos ko sila,” paliwanag niya.
First year college na sa La Salle (Marketing_ ang panganay niyang anak na babae.

At ‘yung iba pa niyang mga anak ay nasa high school and elementary levels pa lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending