Aljur humihingi ng P1.9-M danyos sa GMA | Bandera

Aljur humihingi ng P1.9-M danyos sa GMA

Jobert Sucaldito - July 26, 2014 - 03:00 AM


Bukod sa hiniling na Judicial Confirmation of Rescission of Contract sa GMA 7, humihingi rin ng P1.9 million in damages si Aljur Abrenica mula sa Kapuso network.

Pormal na ngang nagsampa ng kaso si Papa Aljur laban sa GMA 7, gusto na niyang kumalas sa kontratang pinirmahan niya sa istasyon na tatagal pa hanggang 2017.

Sa isinumiteng affidavit ni Aljur sa Quezon City Regional Trial Court, hiniling nito na magbayad ng P1 million in moral damages “over his besmirched reputation, sleepless night and serious anxiety” matapos diumanong i-require siya ng istasyon na magtrabaho ng mahabang oras sa kabila ng pagkakasakit na nakaapekto diumano sa kanyang pagiging aktor.

Ayon naman sa legal counsel ni Aljur na si Atty. Ferdinand Topacio, wala na raw choice ang kanyang kliyente kundi ang idulog ang kanyang kaso sa korte dahil hindi raw sila nagkasundo sa kanilang pag-uusap.

“Noong talagang hindi na maayos, pinadalhan namin ang GMA-7 ng isang formal letter, hoping they would sit down on what the problem was, but they insisted on the contract,” ani Atty. Topacio.

Matagal na rin daw gustong gawin ito ni Aljur, pero mas gusto raw kasi niya na maging maayos ang pamamaalam niya sa GMA kaya na-delay ito nang ganito katagal.

“Sa katunayan po, matagal na po, taon na po. Pero, sabi ko nga, ayaw ko po talagang umabot sa ganito dahil hangga’t maaari, gusto ko pong ayusin,” aniya.

Dagdag pa niya, “Pero with the guidance ng mga tao sa paligid ko, guidance po ng mga magulang ko at mula po sa Panginoon, kinailangan ko na pong pumunta sa hukuman.”

Pinag-isipan din daw mabuti ng binata ang ginawa niyang hakbang kaya nakahanda siya sa kung anuman ang posibleng mangyari sa kanyang career.

“Pinag-isipan ko pong mabuti. Napakahirap. Alam ko po ang mga posibleng mangyari, pero para po sa akin, worth it po ‘yung gagawin ko ngayon,” aniya pa.

( Photo credit to aljur abrenica official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending