GMA kinasuhan ni Aljur Abrenica | Bandera

GMA kinasuhan ni Aljur Abrenica

Jobert Sucaldito - July 24, 2014 - 04:31 PM

 

NAGSAMPA ng kaso ang aktor na si Aljur  Abrenica laban sa GMA Huwebes  sa Quezon City Regional Trial Court para mapawalang-bisa ang pinirmahan niyang management contract sa Kapuso network.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, nag-file si Abrenica ng “judicial confirmation of rescission of contract” laban sa GMA Artist Center.

Ayon kay Abrenica hanggang sa susunod na taon pa ang  network contract niya sa GMA, gayunman tatagal pa umano ang kontrata niya sa Artist Center  hanggang 2017.  Ang Artist Center ang tumatayong manager ng aktor.

Hirit ng aktor, nais na niyang umalis sa Artist Center dahil wala na umano itong matinong plano para sa kanyang  career.
Kung anu-ano na lang anya ang trabahong ibinibigay sa kanya ng network.

“Meron kasi akong timeline para sa aking career. I note down the things na gusto kong gawin – movies, TV shows, recording, concerts. Lahat iyan ay nakaayos sa listahan ko kaya lang iba naman ang nasa isipan nila. They want to package me otherwise.

“Like yung title ng album ko – gusto nila yung bastos na title na ni sa panaginip ay hindi ko ma-imagine. Para akong bold actor sa tingin nila. Saan ka nakakita ng manager na ang gustong title ng album ko ay ‘Nota’?

Hindi na umano siya masaya sa GMA, at nasasaktan na lamang siya.

Samantala, sinabi naman ng GMA Na hindi pa nila natatanggap ang reklamo ni Abrenica.

“GMA Network has not yet received a copy of the complaint filed by Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the contents of the complaint,” pahayag naman ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending