Robin sa next BF ni Kylie: Mag-Muslim muna siya! | Bandera

Robin sa next BF ni Kylie: Mag-Muslim muna siya!

Ervin Santiago - July 24, 2014 - 03:00 AM


KUNG ngayon magpapa-sex change si BB Gandanghari, baka hindi raw pumayag ang utol nitong si Robin Padilla. Ayon kay Binoe, unti-unti na rin nilang natatanggap ang kasarian ng kapatid pero kung ang pag-uusapan ay ang pagpapa-sex transplant nito, sana raw ay huwag muna itong gawin ni BB.

“Alam n’yo, mahirap talagang sagutin ang bagay na ‘yan. Sa ngayon, dahan-dahan lang, kasi para din naman siyang bagong panganak na. Katulad ng sinabi namin, nasa puberty pa lang siya.

Huwag masyado kaming biglain. Dahan-dahan lang,” ani Binoe. Samantala, tumanggi namang magsalita si Robin tungkol sa bagong lalaking nali-link sa kanyang anak na si Kylie Padilla, ito ngang Kapuso hunk actor na si Enzo Pineda na ex-boyfriend ni Louise delos Reyes na nababalita namang girlfriend na ngayon ni Aljur Abrenica – ang ex-boyfriend ni Kylie.

Sey ni Binoe, “Ramadan ngayon, huwag muna nating pag-usapan ‘yan. Siguro para rin kay Kylie at sa gustong manligaw sa kanya, respeto muna sa Muslim.”

Pero hindi pa rin napigilan ng aktor ang kanyang saloobin tungkol sa lovelife ng anak. Natanong kasi siya kung ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa lalaki na papasa bilang boyfriend ni Kylie, “Mag-Muslim siya. ‘Pag Muslim siya, wala nang kuwestiyon.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending