Jeric Gonzales handang-handa nang maghubad | Bandera

Jeric Gonzales handang-handa nang maghubad

Ervin Santiago - July 23, 2014 - 03:00 AM


Naghahanda na ang Kapuso young matinee idol at Protégé male grand winner na si Jeric Gonzales sa pagsabak niya sa mature roles. Kasabay nito, nagpapaganda na rin siya ng katawan para sa mga future sexy projects.

Sa pocket presscon na ibinigay ng GMA Artist Center para sa mga Kapuso stars na may entry sa Cinemalaya Film Festival this year, sinabi ni Jeric na kung magkakaroon ng offer na magpa-sexy siya ay handa na raw siya, kabilang na ang pagta-trunks. Sa katunayan, isa siya sa mga Kapuso male stars na kasali ngayong taon sa Cosmo Bachelor Bash.

Ka-join si Jeric sa entry ni Nora Aunor sa Cinemalaya na “Hustisya” kung saan kasama rin si Rocco Nacino, directed by Joel Lamangan. Gaganap na anak ni Ate Guy si Jeric sa movie.

Sey ng binata, napakalaking honor para sa kanya ang makasama ang Superstar sa isang movie. “Nakaka-starstruck talaga si Ms. Nora Aunor, sobrang humble niya kahit Superstar na siya.

Lahat kaming mga bata sa shooting, itinuturing niyang mga anak-anakan. Kasi, sabi niya, lahat ng mabait anak niya, so mabait naman ako tapos mabait rin siya. Sobrang amo ng mukha niya.

Talagang down-to-earth ‘tapos pag mag-eeksena kami, niyayakap ko siya. Humihingi ako ng support, ang bait niya talaga.”
Unang nakatrabaho ni Jeric si Nora sa indie movie na “Dementia”.

Wala pang alam na next project si Jeric sa GMA 7, pero umaasa siya na very soon ay masusundan na ang huling teleserye ginawa niya ilang buwan na ang nakararaan.

Tungkol naman sa ka-loveteam niya noon na si Thea Tolentino na napapanood tuwing hapon sa seryeng The Half Sisters with Barbie Forteza, hindi raw totoong nagseselos siya sa aktres dahil tuluy-tuloy ang trabaho nito.

“Nalungkot lang ako dahil nawala ‘yung loveteam namin, but I’m happy for her kasi sabay kaming nagsimula, ngayon parang mas malayo na yung narating niya. At hindi ako nagseselos.

Ang ginagawa ko na lang mas i-improve pa yung skills ko. Mas pagbubutihan ko pa sa next projects.”

( Photo credit to jeric gonzales official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending