Kris suko na sa Lovelife: Ang sakit! Wala talagang swerte...give up na! | Bandera

Kris suko na sa Lovelife: Ang sakit! Wala talagang swerte…give up na!

Ervin Santiago |July 22,2014
facebook
share this

Kris suko na sa Lovelife: Ang sakit! Wala talagang swerte…give up na!

Ervin Santiago - July 22, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO

SUKO na raw si Kris Aquino pagdating sa lovelife. Hindi na raw talaga siya umaasa na darating pa ang lalaking magmamahal sa kanya habambuhay.

Ayon sa TV host-actress, pagkatapos ng ilang minalas na pakikipagrelasyon, mukhang unti-unti na niyang natatanggap na wala siyang swerte sa pag-ibig.

“Ang sakit! Oo, give up na. Hayaan na lang muna. Parang hindi talaga doon ang swerte. Siguro as it is, nasasabi kong okay ako kasi kailangan pa ako ng mga anak ko,” ani Kris nang makapanayam ng entertainment press.

“Seven years old lang si Bimb, 19 si Josh. Siguro kapag hindi na nila ako kailangan, doon ko mafi-feel na sad ang buhay. But while you feel needed and loved, it’s okay,” positibong pananaw naman ni Tetay.

Sa ngayon, ina-appreciate na lang ni Kris ang lahat ng blessings na dumarating sa buhay niya, lalo na ang pagkakaroon ng two loving kids, at siyempre ang patuloy na paghataw ng kanyang career.

“Okay na ako with my two sons. Okay na ako sa takbo ng career ko. Parang sinabi ko nga, siguro yun ang sinabi ni God, na ‘Hoy, huwag ka masyadong maraming hinihingi. Makuntento ka na sa kung anong meron ka,’” natatawang chika pa ng presidential sister.

Ayon pa sa TV host, kahit wala siyang swerte sa lovelife, napapansin niya na isa siyang magaling na “matchmaker”, playing cupid sa ilang celebrity couples sa showbiz.

“Kasi ninang ako ni Karylle sa wedding niya. Ninang ako ni Kuya Kim (Atienza). Magnininang ako kay Luis (Manzano). Tapos sa staff ko, ang daming times ko na rin na ninang. Lahat sila happy (sa love life nila). So sabi nila tina-transfer ko daw yung happiness sa kanila so sabi ko okay na rin yun,” chika pa ni Kris.

Isang patunay na magaling na matchmaker ang TV host ay ang pagpapakasal nina Melai Cantiveros at Jason Francisco kamakailan na meron na ngang baby ngayon. Kung hindi kami nagkakamali nagkabalikan ang dalawang komedyante nang magsama uli sila sa Kris TV bilang co-host ni Tetay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending