Claudine napariwara ang buhay dahil sa mga walang kuwentang kabarkada | Bandera

Claudine napariwara ang buhay dahil sa mga walang kuwentang kabarkada

Cristy Fermin |July 22,2014
facebook
share this

Claudine napariwara ang buhay dahil sa mga walang kuwentang kabarkada

Cristy Fermin - July 22, 2014 - 03:00 AM

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

Isang gabing malakas ang ulan at hindi pa makauwi ang isang grupo ng mga taga-showbiz ay nagkape-kape muna sila kasabay ang pagpipista sa mga kuwentong-artista ngayon.

Ang unang napagdiskitahang tutukan ng tropa ay si Claudine Barretto. Windang ang lahat sa umpukan, nasundan kasi nilang lahat ang buhay ng aktres mula nu’ng bata pa siya, nasubaybayan nila ang pagiging artista ni Claudine.

Pero walang sinuman sa kanila ang nag-isip na masasadlak pala ang buhay ng aktres sa ganitong sitwasyon, ang akala rin nila nu’ng magpakasal sina Claudine at Raymart Santiago ay magiging maayos ang kanilang pagsasama, pero kabaligtaran nu’n ang nangyari.

Nagkakaisa ang lahat sa pagsasabing walang magandang nagagawa sa buhay ng tao ang pagiging duwag sa kaway ng mga bagay-bagay na siguradong maglalagay sa kanila sa indulto.

“Si Claudine naman kasi, naturingang matalino pa naman, pero ano’ng nangyari sa kanya? Nakipagkaibigan siya sa mga taong hindi naman yata nangangarap, kaya ayun, pati siya, e, nagkawindang-windang ang buhay,” sabi ng isa sa umpukan.

Kailangan daw hanapin ni Claudine ang nawawala niyang sarili, ibang Claudine na raw ang nakikita natin ngayon, kaya patuloy na nasisira ang kanyang buhay at career.

“Marami nang kaibigang nagpayo sa kanya na magbago na, pero hindi niya naman pinakikinggan. So, umayaw na sa kanya ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, bahala na raw siya sa buhay niya ngayon,” dagdag na impormasyon naman ng isang nasa mahabang mesa.

Si Claudine Barretto lang ang makapagpapabago sa takbo ng buhay niya ngayon, walang iba, siya lang talaga dahil siya rin naman ang pinagmulan ng lahat-lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending