DIABETES prevention month ngayon kaya ito ang pag-uusapan natin.
Ang pag-kontrol ng “blood sugar” ang siyang pangunahing paraan para maiwasan ang mga kumplikasyon nito.
Pero segue muna tayo: Binabati ko ang lahat ng sumusubaybay sa DOCTOR HEAL lalo na ang may mga karamdaman na
Diabetes at mga kumplikasyon nito.
Nawa ay kontrolado ang inyong “blood sugar”, tama ang inyong timbang, wala kayong impeksyon, malinaw ng inyong paningin at malakas ang inyong pag-ihi dahil ang inyong mga bato ay gumagana nang lubusan. Dalangin ko din na wala kayong nararamdaman na mga pagsakit sa anumang parte ng katawan lalo na ang mga daliri sa kamay at paa, at wala ring pamamanhid na dulot ng paghina ng mga ugat (nerves), ganundin ang pagsakit ng dibdib na sanhi nag mahinang daloy ng dugo sa mga ugat sa puso (coronary blood vessels).
Kung nasa ganito kayong sitwasyon, manatili sana ang inyong ginagawang paraan sa pagtugon sa problema na ito.
Isipin mo na lang na sa Pilipinas lamang, isa ka sa mahigit limang milyong Pilipino na may Diabetes at isa ka sa halos kalahating milyon na mga tao sa ating bansa na nakakatanggap ng pag-aalagang medikal o nabibigyan ng kaukulang pansin sa gamutan.
Marahil ikaw na ang pinakamaswerteng Pilipino dahil ang katotohanan ay hindi basta-basta nawawala ang sakit na ito, madalas nga na sinasabi ng mga doktor na wala na itong lunas, panghabang-buhay kang may Dyabetes.
Subali’t sa likod ng mga sinasabing ganito, may paniniwala ako, at suportado naman ng mga resulta ng mabisang paraan ng pag-gamot, may isang mas mahalagang katotohanan: ANG DIABETES AY MAARING MAWALA NG LUBUSAN.
Ano ang dapat na pamumuhay ng isang diabetic? Kailangan bang iba ang lifestyle nito sa mga taong walang ganitong sakit? Ang sagot ay hindi.
Maari pa ring maging normal ang pamumuhay maliban lang sa dalawang bagay — ang pagbawas ng “sugar o carbohydrates” at ang pag-ehersisyo”.
May mga pagkakataon na kailangan ng gamot (OHA- Oral Hypoglyemic Agents) o maraming gamot gaya ng “Insulin” na pinagsama sa nauna. Mayroon din paraan ang “Metabolic Surgery” na talagang pipigilan ang pagkain ng matatamis at “Bariatric Surgery” naman kung ang isang tao ay may Diabetes kasama ng Katabaan (Obesity).
Ang “Diabetic Lifestyle” ay malaking hamon sa mga may Diabetes.
Isipin mo na lang na kailangan hindi ka kakain ng mga pagkain na may asukal kahit ikaw ay gutom na gutom na.
Kailangan alalahanin parati na ang “blood sugar” laging nanggagaling sa kinakain.
Laging isa-isip na may pag-asa na mawala o maputol ang Diabetes, disiplina lang ang kailangan, at desisyonan na magkaroon ng disiplina.
Kaya nga bantayan ang sarili pagdating sa pagpili ng pagkain, at ang responsabilidad na ito ay hindi lubusang ipinagkakatiwala sa nutritionist na siyang nagbibigay ng “guide o nutritional prescription”.
Ang susi ay ikaw mismo. Ikaw ang pwedeng makagawa ng lahat nang ikabubuti o ikasasama ng iyong kalusugan.
(Itutuloy sa Miyerkules, abangan)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.