Kathryn payag nang makipaghalikan kay Daniel | Bandera

Kathryn payag nang makipaghalikan kay Daniel

Ambet Nabus - July 16, 2014 - 03:00 AM


Kailangang tuparin namin ang aming pangako sa aming pinakamamahal na anak na si Neeyong na manonood kami ng “She’s Dating The Gangster” ngayong araw, first day of showing.

Big fan ang “baby” namin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kung tawagin nga niya’y ate at kuya. Ang nakakatuwa pa, sa ilang beses na naming pagtatagpo nina Kathniel either through tugang direk Cathy Garcia-Molina (na ninang din ni Neeyong) o sa okasyon ng Faces & Curves o sa pamamagitan ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada, eh laging nabibigyan ng kakaibang saya at tuwa ang anak namin ng dalawang bagets.

Imagine kapatid na Ervin, at three years old (and four months) ay grabe ang pag-iidolo ng aming anak sa kanila at dahil nasusubaybayan niya ang mga ito, kahit nga ang pagkain sa dalawang giant food chains na gustung-gusto ng mga bata ay ayaw na niya dahil mas gusto niyang kumain sa ine-endorse na food chain nina Kathryn at Daniel.

Nakakaloka, di ba? Ha-hahahaha! In fact, nu’ng imbitahan kami ni tugang direk Cathy to make a cameo sa naturang movie, si Neeyong ang aming kinunsider.

Kaya naman kahit buryong na buryong kami sa sistema ng mga shooting na matagal na maghihintay at late namang kukunan, at paulit-ulit pa, eh talagang pinagtiyagaan namin. Libre po ang exposure namin du’n, ha! Ha-hahaha!

We actually had a great time doing our scene dahil pang-ending pala yun ng movie. And yes, sa mga Kathniel supporters na nag-aabang, sisiguraduhin ko sa inyong hindi kayo mabibigo sa kilig at sayang hinahanap ninyo sa dalawa.

It was Richard Gomez who coined the term “Hart, Hart” na siyang term of endearment ni Kath kay Daniel at malaking bahagi din ng movie ang “i-Dawin Zulueta mo ako” bilang finale ng yakapan, pagbuhat, pag-ikot at pagki-kiss ng dalawang teen superstars.

( Photo credit to kathniel official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending