HOROSCOPE, JULY 15, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JULY 15, 2014

Madam Sophia - July 15, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagmamahal aayon din sa iyong magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Red at gray ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pag-ibig, may masarap na romansa magaganap sa linggong ito basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na red. Sa pinansyal ang kulay na pula ang siya ring magiging mapalad na kulay upang madagdagan ang kinikita.  Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.”  Bukod sa red ang purple ay buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, wag mahihiyang sabihan ang kasuyo na “magtipid ka naman!” Para din yan sa ikauunlad ng inyong fiture at sa ikaka-stable ng inyong aspetong pang-financial. Mapalad ang 6, 8, 21, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ituloy ang binabalak na paglalakbay upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, masarap at sopresang romansa ang hatid ng isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Om.” Lilac at blue ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat tumunganga, panahon na upang magpakasipag upang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig isang Capricorn ang magbibigay sa iyo ng isang masagana at magandang future. Mapalad ang 1, 13, 25, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagpapakumbaba, upang makaiwas ka sa ibat-ibang intriga, Sa pag-ibig, isang kaibigan na naman ang lihim na maiingit sa iyong kagandahan. apalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Gold at maroon ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)—Yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon ninyo pagusapan ang inyong problema. Sa tahimik na lugar may magandang solusyon maiisip upang lalo pang mapaunlad ang kabuhayan at lalo pang uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at lilac ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)— Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang pagbabakasyon sa ibat-ibang lugar sa darating na summer 2015. Ibig sabihin ngayon palang unti-unti ka ng mag-savings upang masigurado ang isang masarap na bakasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Green at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Walang mangyayari sa iyong buhay kung mananatili kang nag-iisa. Kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong kailangan. Sa pag-ibig okey din na  ka-partner ang isang Cancer. Mapalad ang 7, 20, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Wag umasa sa biglang suwerte, umpisahan mo ng magsikap ngayon upang matupad ang pangarap mong yumaman. Sa pag-ibig, kung isang taong isinilang sa petsang 5, 14, at 23 ang iyong mapapanagsaa, mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om.”  Red at pink  ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sayo yan ng kusa!  Hayaan mong mangyari ang mga dapat maganap wag kang komontra sa agos ng buhay. Sa bandang huli, puro suwerte at magandang kapalaran din ang malalasap. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Yellow at beige ang buenas.

 Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa negosyo, wag na uling lokohin ang mga kliyente baka makahalata na sila. Mapalad ang 5, 13, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Pisces – (February 19 – March 20)—  Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas! Ngayon ang pinaka-tamang panahon upang kumilos. Sa pag-ibig, wag hayaang makapanghina ng iyong loob ang pesimistang kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending