Pero may nagtataas pa rin ng kilay
NGAYONG araw ang lipad ni Sam Milby papuntang New York para sa kanyang American dream – to penetrate Hollywood.
Yes, marami siyang auditions na pagdaraanan at kapag pinalad ang mahal nating anak-anakan, baka ma-extend ang kanyang stay sa US for a few more months.
Sa May sana ang original schedule ng pag-uwi ni Sam dito pero pag sinuwerte siya with some TV jobs there, definitely ay hindi muna siya makakauwi as scheduled – season-season kasi ang TV works doon, eh. Every six months yata tumatagal ang isang season ng show.
“Wish me luck, tito Jobs. Sayang naman kasi pag hindi ko pinansin ang offer na ito.
Meron na akong TV affiliation doon, it’s just that, I have to audition in some shows.
Meron nang naka-line-up kaya hopefully, I could land a job in some of their TV soaps,” ani Sam nang huli kaming magkita.
May usapan pa naman kaming magdi-dinner muna bago siya umalis.
But seemed like sobrang busy ni Sam lately dahil tinapos muna niya ang mga commitments niya kaya hindi man lang kami nakapagkape together.
Pero siyempre, nandu’n ang dasal kong sana’y gabayan siya ni Lord para lalo siyang tumingkad bilang bituin at alagad ng sining.
Kapag sinuwerte naman si Sam, lahat naman tayo ay bitbit niya sa kanyang tagumpay, di ba? Hindi mana madamot sa kasikatan si Sam, ‘no!
Makikilala muli ang Pilipinas dahil nga isang Pinoy na naman ang nagmarka sa Hollywood.
Pero kahit sa pag-alis na ito ni Sam ay meron pa ring iba diyan na minemenos ang kakayahan niya.
May mga nagtataas pa rin ng kilay sa kanyang pagbabaka-sakali sa Hollywood. In fairness kay Sam, he respects everyone – kahit hindi maganda ang opinion ng iba, He takes everything as a challenge.
Sabi nga, we can’t please everyone. Tama? Basta kami, we have high hopes that Sam will truly make it.
Nakabait na bata kaya he deserves the best good karma in the world. Labyu very much, anak. God bless. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.