Daniel, Kathryn: Di kami perfect, nag-aaway din kami! | Bandera

Daniel, Kathryn: Di kami perfect, nag-aaway din kami!

Ervin Santiago - July 09, 2014 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

TULAD ng ibang ‘magkarelasyon” nag-aaway at nagkakatampuhan din ang Teen King & Queen ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon sa mga bida ng latest movie ng Star Cinema na “She’s Dating The Gangster”, hindi naman daw perfect ang kanilang samahan, pero sinisiguro nila na agad itong naaayos para hindi na ito lumala pa.

Sa interview ng ABS-CBN News kay Daniel, sinabi nitong ginagawa niya ang lahat para hindi magalit sa kanya si Kathryn, pero tao lang din naman sila na nagkakamali.

“Agad naman pong inaayos. Hindi na po pinapatagal dahil mahirap po baka makita sa TV. Mahahalata yun. Kung may problema, pero usually wala naman talaga, dapat agad ayusin,” ani Daniel.
Ayon naman kay Kathryn, kapag meron daw silang misunderstanding ni Daniel, ang number one rule nila ay ang mag-sorry agad.

“Dapat hindi maapektuhan yung trabaho du’n sa personal na nangyayari sa amin. Pero ayaw din namin na nagkakaaway sa set kasi yung mood namin pareho nag-iiba tapos tahimik na kami. Mabigat na sa feeling. Kapag nag-aaway, kung sino ang may kasalanan, dapat mag-sorry na,” sey ng Teen Queen.

Ani Kathryn, ang madalas nilang pag-awayang dalawa ay, “Oras, pagod at puyat.”

Busy ngayon ang magka-loveteam sa promo ng “She’s Dating The Gangster” na showing na sa July 16, at nagdarasal sila na sana’y suportahan ito ng madlang pipol.

“Ako lagi ko lang pinagdadasal na sana tuwing may project kami ni Kathryn, hindi sila magsawa. Yun ang maganda po sa iba’t ibang director na nakakatrabaho namin. Binibigyan kami ng kakaiba parati every project namin so may kakaibang makikita sa amin every time. Hindi lang paulit-ulit. Kaya siguro hindi rin po sila nagsasawa,” chika ni DJ.

“Dapat every project na ginagawa namin, different from before. Binibigyan din kasi kami ng chance na mag-portray ng iba’t ibang characters,” sey naman ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending