SAN MIG PIPILITING ISARA ANG SERYE | Bandera

SAN MIG PIPILITING ISARA ANG SERYE

Barry Pascua - July 07, 2014 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 p.m. San Mig Coffee vs Rain or Shine
(Game 4, best-of-five)

ANG pagsasara ng isang serye ay mahirap gawin at alam ng San Mig Coffee na kakailanganin nito ng ibayong intensity upang tapusin na ang Rain or Shine sa Game Four ng best-of-five Finals ng PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Dinaig ng Mixers ang Elasto Painters, 78-69, sa Game Three noong Sabado para sa 2-1 kalamangan. Nagwagi rin ang Mixers sa Game One, 104-101, subalit nakatabla ang Elasto Painters nang manalo sa Game Two sa overtime, 89-87.

Kung mananalo ang San Mig Coffee mamaya ay maiuuwi na nila ang ikaapat na sunod na kampeonato at makukumpleto ang ikalimang Grand Slam sa kasaysayan ng PBA.

“You can’t talk about a championship or a Grand Slam until its done. We have so much respect for Rain or Shine which is the mentally strongest team you’ll play. They don’t break,” ani San Mig coach Tim Cone na naghahangad ding maiuwi ang ikalawang Grand Slam niya bilang coach. Napanalunan niya ang unang Grand Slam niya habang hawak ang Alaska Milk 18 taon na ang nakalilipas.

Sa Game Three ay lumamang ang Mixers, 39-30, sa halftime. Subalit naibaba ito ng Elasto Painters, 58-55, papasok sa fourth quarter.

Sinimulan ni Beau Belga ang final period sa pamamagitan ng back-to-back baskets upang makuha ng Rain or Shine ang unahan, 59-58.

Matapos iyon ay gumawa ng walong puntos ang rookie na si Ian Sangalang upang pamunuan ang atake ng San Mig Coffee na lumayo, 71-61.

Sa import matchup ay dinaig ni Arizona Reid si Marqus Blakely. Si Reid, na naparangalan bilang Best Import ng torneo, ay nagtala ng game-high 31 puntos bukod sa walong rebounds, isang assist at dalawang blocked shots.

Si Blakely ay nagtapos nang may 17 puntos subalit humugot din ng 17 rebounds.

Ang problema ay tanging si Reid ang nagtapos ng may double figures sa scoring para sa Rain or Shine. Sa kabilang dako, si Blakely ay sinuportahan ni Sangalang na gumawa ng 13 puntos at Peter June Simon at Joe Devance na nagtala ng tig-10 puntos.

Sa kabila ng pagkatalo ay naniniwala si Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao na kaya nilang itabla ang serye at puwersahin ang winner-take-all Game Five sa Miyerkules.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa naman si Guiao na si Reid ay matutulungan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee at Ryan Araña.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending