Angeline Quinto: Ang pinakamamahal ko po, Erik Santos! | Bandera

Angeline Quinto: Ang pinakamamahal ko po, Erik Santos!

Julie Bonifacio - July 06, 2014 - 03:00 AM


Super worth it ang pagsugod namin sa rumaragasang ulan at baha para panoorin ang live performance ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto sa  kanyang unang gabi sa 19 East Bar & Grill last Thursday.

May two set of performances si  Angeline that night. On her first set, inawit niya ang lahat ng kanta sa official soundtrack album ng hit teleserye nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Sa gala premiere namin unang narinig at nalaman ang OST ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Doon pa lan gusto na naming makakakuha ng copy ng bagong album ni Angeline.

Kung gaano kaganda ang pagkaka-record ni Angeline sa album, plakadung-plakado pa rin ang pagkakakanta niya nang live. Syempre, malaking karangalan para kay Angeline ang pagkakabuo ng OST album ng SBPAK dahil siya ang kauna-unahang Filipino singer na umawit ng lahat ng kanta sa isang teleserye album.

Kasama sa album ang “Gusto Kita,” “Why Can’t It Be,” “Umiiyak Ang PUso,” “Wherever You Are,” “Hindi ko Kaya,” “Muli,” “Forever” with Erik Santos at “Someday.”

Dumating din that night para suportahan at naki-duet kay Angeline si Erik. Ipinakilala siya ni Angeline ng ganito, “Ang pinakamamahal ko po, Mr. Erik Santos.” So, alam ninyo na, ha!

Simula last Thursday hanggang sa Aug. 21 naka-set si Angeline na mag-perform sa naturang bar.  Ang entrance fee ay P500, na may kasamang copy ng album, sa ilalim ng Star Records, Cornerstone at Dreamscape Entertainment TV.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending