Angeline: Yung ibang hinahanap ko sa lalaki nakita ko kay Erik... sweet at ang bango-bango niya! | Bandera

Angeline: Yung ibang hinahanap ko sa lalaki nakita ko kay Erik… sweet at ang bango-bango niya!

Ervin Santiago - July 05, 2014 - 03:00 AM


PUNUMPUNO ang 19 East Bar & Grill Restaurant sa Sucat, Parañaque nu’ng Huwebes ng gabi kung saan ginanap ang launching ng “Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon” album.

Sa kabila nga ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan na naging sanhi ng pagbaha sa ilang kalye patungo sa Sucat, Bicutan, napakarami pa ring nagpunta sa nasabing bar para panoorin ang mini-concert ni Angeline.

Nakachika ng ilang members ng press ang singer-actress pagkatapos ng first set ng kanyang show, kung saan special guest niya ang nali-link sa kanya na si Erik Santos. Kaya unang tanong ng reporters sa kanya – kumusta na sila ni Erik?

“Ang tawag ko sa kanya, my next level friend. Kung ano ang mangyari sa susunod ay ready ako. Special siya sa akin? Oo naman. Pero yung ako sa kanya? Siya na lang ang tanungin niyo dahil nahihiya na ako ang magsabi.

Pero sobra akong happy na nandiyan si Erik para sa akin,” pahayag ng Queen of Teleserye Theme Songs ng ABS-CBN.
May balita na itinigil na ni Erik ang panliligaw sa kanya dahil sa ilang personal na dahilan.

Ang next question kay Anggeline, kung nanliligaw ba ulit sa kanya ang binata? “Hindi ko alam! Ganu’n ba? Hindi ko masabi po. Naghihintay pa ako ng isang pangyayari na masasabi kong, ‘Ay, nililigawan ako ni Erik Santos!’ Pero ‘pag nangyari naman yun, isi-share ko naman sa inyo.”

Marami ang naguguluhan sa estado ng relasyon ng dalawa. Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang pagpapalitan nila ng “I love you” sa Instagram, bukod pa ang mga sweet messages nila sa isa’t isa.

Pero ang sabi ni Erik sa isang interview, nagsawa na siya sa panunuyo kay Angeline dahil feeling niya, wala itong patutunguhan.
Paano ba masasabi ni Angeline na nililigawan siya uli ni Erik? “Siyempre, yung pag-invite niya sa akin sa labas.

Yung pagiging sweet niya sa akin everytime na magkasama kami. “Lalo na kapag sa shows, I feel like I’m a queen with Erik Santos. Lately kasi, nagkakaroon kami ng shows together po, ‘tulad sa mga out of town.

Yun ang madalas naming pagsasama. Sa ASAP. Minsan, nagkakape. “Ang hindi ko talaga makalimutan kay Erik, minsan may problema ako, siya ang tinawagan ko.

Tapos, kumain kami, kuwentuhan, at parang naubos yung oras namin sa pagsi-share ng mga bagay-bagay, ganu’n lang naman,” kuwento ng biriterang singer.

Sey pa ni Angeline, malaki naman ang posibilidad na maging sila ni Erik, “Napakalaki po (ng pag-asa). Nagsimula kami as friends, so parang nandiyan na nahihiya kami sa isa’t isa na sabihin ang totoo.

“Kasi minsan, ganyan ako sa kanya. Na ang lahat ay parang dinadaan ko sa biro, na hindi niya alam na totoo na pala yun. Siguro, ‘pag dumating yung time na seryoso kami sa isa’t isa, yun na yun,” aniya pa.

Ideal boyfriend ba si Erik para sa kanya? “Yung tipo kasi ng lalaki na hinahanap ko, yung iba, na kay Erik. Simple, ang bangu-bango tingnan, sweet, at siyempre singer kasi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to angeline quinto official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending