John Lloyd pumayag maghubo't hubad | Bandera

John Lloyd pumayag maghubo’t hubad

- January 30, 2012 - 01:54 PM

Kamay lang daw ang nakatakip kay ‘junior’

RATSADA na ang shooting ng first movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na “Unofficially Yours.”

Sa Feb. 15 na kasi ang showing nito ayon sa direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina na nakausap namin sa shooting kamakailan.

Tiniyak ni direk Cathy na matatapos nila ang movie on time. September pa lang daw ay nagsimula na silang mag-shoot.

Nakunan na rin daw nila ang “sexy” scenes nina John Lloyd at Angel sa movie. Napapayag ni direk Cathy si Angel na magpaka-daring sa eksena nila ni John Lloyd.

Habang si Lloydie naman ay pumayag na maghubad sa pelikula.

Dapat ay magpaplaster daw si Lloydie, pero naisip ng actor na  huwag na lang dahil masakit daw ‘yun. Kaya ang mga kamay na lang ni Lloydie ang ginamit pantakip sa kanyang harapan.


Mahaba-haba ang naging tsikahan namin with direk Cathy that night dahil sini-set-up pa ang kamera at mga ilaw sa eksenang kukunan niya.

Naitanong tuloy namin kay direk kung ano ang mga binigay na regalo sa kanya ng mga artista niya last year.

Super na-touch si direk Cathy sa ibinigay ni regalo sa kanya ni John Lloyd. Pinag-check-in daw sila ni John Lloyd sa Shangri-La Edsa ng kanyang dalawang anak for two nights and all expenses paid.

Kaya pirma lang ng pirma ang drama ni direk Cathy sa lahat ng kinain nila at iba pa habang nasa hotel.

Nag-check-in sila sa Shangri-La nu’ng Dec. 30 at umuwi nu’ng Jan. 1.

Tuwang-tuwa raw ang mga anak ni direk Cathy sa Shangri-La.

Nalokah naman siya kung gaano kamahal ang inumin at pagkain sa naturang hotel na kung siya raw ang magbabayad ay can’t afford niya.

Tinupad daw ni John Lloyd ang ipinangako niya sa harap ng bangkay ng yumaong asawa ni direk Cathy noon sa burol na ‘di niya pababayaan ang pamilya nito.

Hinding-hindi raw malilimutan ni direk Cathy ang regalong ‘to ni Lloydie, ‘di dahil sa kanya kundi dahil sa saya at tuwang idinulot noon para sa kanyang mga anak.

Thankful din si direk Cathy sa ibinigay naman na camera ni Angel sa kanya last Christmas.

Ni-reveal naman ng direktor na kung merong artistang gusto niyang idirek ito’y walang iba kundi si Kris Aquino.

The feeling is mutual naman dahil nagpasabi na rin si Kris na gusto niyang gumawa ng movie with direk Cathy.

May naisip na ring istorya ang direktor para sa movie nila ni Kris pero nu’ng sinabmit niya ang concept sa Star Cinema ay may ibang direktor na raw na gagawa nu’ng ganu’ng kwento.

Kaya nagpasabi na lang si direk Cathy sa Star Cinema na sabihin ‘yun kay Kris kasi nga naman baka isipin ng TV host-actress ay ayaw siyang idirek ng box-office director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, ang leading man na naisip ni direk Cathy for Kris sa movie na naisip niya ay walang iba kundi ang favorite actor niya na si John Lloyd.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending