Benepisyo ng beterano | Bandera

Benepisyo ng beterano

Lisa Soriano - July 04, 2014 - 03:00 AM

ISA pong war veteran ang lolo ko na namatay magdadalawang dekada na rin sa 2016 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po namin nakukuha ng benefits na dapat makuha sa PVAO. Ano po dapat naming na gawin? May mga anak pa naman po siya na buhay at maaari po bang malaman ang mga requirements.
Tony de Lara

REPLY: Mahal na Ginoong de Lara,

Una po sa lahat , kailangan ay may opisyal na rekord ang inyong pamilya na magpapatunay ng serbisyo ng inyong ama noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kung wala pa kayo nito, magtungo po muna kayo sa Non-Current Records Division—Office of the Adjutant General (NRD-OTAG), General Headquarters, Armed Forces of the Philippines sa loob ng Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City upang mag-request ng military service record (MSR) ng inyong ama.

Ang NRD-OTAG po at hindi ang PVAO ang opisyal na tagapagtago ng rekord ng lahat ng mga gerilya at sundalo noong World War II hanggang sa kasalukuyan.

Kailangan lamang po ay alam ninyo ang buong pangalan ng beterano, petsa at lugar ng kanyang kapanganakan, army serial number (kung meron man), yunit na inaniban noong World War II bilang sundalo o gerilya, at pangalan benepisyaryo na kanyang inilista sa kanyang record.

Sakali pong may makuha kayong MSR sa NRD-OTAG ay maaari na po kayong magtungo sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) upang mag-apply ng nararapat na benepisyo.

Kung kayo naman po ay nakapag-apply na ng anumang benepisyo sa aming tanggapan, mangyari po lamang na ipaalam ninyo sa amin ang buong pangalan ng beterano at ang claim number upang aming ma-verify sa aming database.

Para sa kumpletong impormasyon ukol sa mga benepisyo, serbisyo, dokumentong kailangan at proseso ng aming ahensiya, maari po ninyong bisitahin ang aming Official Website, ang www.pvao.mil.ph, o kaya naman ay tumawag sa aming Public Information Office sa telepono bilang (02) 9124728.

Maraming salamat po sa inyo, at sa AKSYON Line–Inquirer Bandera, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong makapaglingkod.

Lubos na gumagalang,
Maria Juanita S. Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Philippine Veterans Affairs Office

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected]; [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending