‘Robin, hindi binaboy ni Aljur si Kylie, kaya huwag mo siyang insultuhin!’
Nabuwisit din ako kay Robin Padilla sa mga patutsada niya kay Papa Aljur Abrenica. Sabihin ba naman daw ni Binoe na huwag nang pag-usapan si Aljur dahil baka sumikat lang ito.
Wait lang, Robin – kahit mahal kita bilang kaibigan, I will argue with you this time. Aljur may not have become as popular as you were during your prime pero definitely ay kilala naman at sikat na celebrity si Aljur. Kahit saang sulok ng bansa mo siya dalhin ay kilala siya ng mga tao.
Hindi siya maikukunsiderang starlet – FYI lang. No offense meant, between your daughter Kylie Padilla and Aljur, mas kilala si Aljur, ha. Kaya huwag ka naman sanang padalos-dalos sa iyong pananalita. Nakakasakit ka na ng kapwa mo.
We would like sana to understand where you’re coming from dahil natural lang na maapektuhan ang isang tatay na tulad mo tuwing nalulungkot ang anak mo pero huwag naman to the point na nangmamaliit ka na ng mga tao. Alalahanin mo rin sanang your time is gone – hindi ka na kasing-init tulad ng dati. Na hindi ka na rin kasing-bankable tulad noon.
Lumilipas tayong lahat kaya dapat matutunan natin ang virtue called HUMILITY. Just because naghiwalay sina Aljur at Kylie ay kay Aljur mo na ibinubunton ang lahat ng sisi. It takes two to tango my dear. Kung hindi nag-work ang relasyon ng dalawa after three years ay hindi na natin sakop iyon.
Tulad mo, ilang babae rin ba ang iniwanan mo noong kabataan mo? Ilang babae ang inanakan mo? Gusto mo bang marinig iyon? Magagalit ka lang tiyak pag inisa-isa natin ang mga kaganapan nu’ng panahon mo pero kung makapanlait ka ng kapwa – para kang nakakalalaki rin. Ang ganyang mga pananalita ay hindi na dapat lumalabas sa isang machong katulad mo. Be kinder, OK?
Mabuti sana kung binaboy ni Aljur ang anak mo, baka maunawaan namin ang pagangawa mo. Pero hindi naman, di ba? Hindi naman binuntis ni Aljur si Kylie at biglang iniwan. Theirs was just an ordinary love affair that didn’t work, anong masama roon? Lahat tayo dumadaan sa ganoong phase ng buhay and we all charged them to experience dahil these make us become stronger ang better lovers.
Kaya sana wala nang ganyanan – kawawa naman si Aljur, hindi na nga nagsasalita ang tao inuupakan mo pa rin. Pag pumalag ang taong iyan, sasabihin niyo na namang napaka-ungentleman – but you keep provoking him.
Unang-una, malungkot ba talaga ang anak mong si Kylie? Hindi naman, di ba? She is enjoying in the arms of Geoff Eigenmann, di ba? Saan ka nakakita nang kahihiwalay lang pero meron agad bagong boyfriend? Hasus garbanzos, tomato sauce!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.