Gary V. kinampihan na rin si Ate Guy
Tulad ng malalaking celebrities natin sa local showbiz, nagbigay din ng kanyang pananaw si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa pagkakatsugi kay Superstar Nora Aunor sa listahan ng National Artist award.
“I feel sad because kahit kailan ay hindi na tayo magkakaroon ng isa pang Nora Aunor,” komento ni Gary nang makachika ng media sa presscon ng kanyang “ARISE: The Repeat” concert na gaganapin sa Aug. 2, this time sa SM Mall of Asia Arena.
“I understand and I respect the standards or the conditions by which somebody is supposed to be chosen as a National Artist. Pero nice sana kapag binanggit na National Artist ay tingnan na lang kung ano ang ginawa niya as an artist.
Kasi everybody, pati naman ang mga namumulitika, all of them have different backgrounds and still they are leaders.”For me kung ano ang ginagawa niya at kung ano ang nakita ng mga tao that’s the deserving factor,” chika pa ni Gary.
Samantala, tiniyak ni Mr. Pure Energy na muling mae-enjoy ng kanyang supporters ang repeat ng kanyang concert, bukod sa mga ginawa nila noong unang “ARISE”, magdadagdag pa sila ng ilang production numbers na tiyak na ikagugulat ng madlang pipol.
Bukod sa kanyang mga anak na sina Gab at Kiana Valenciano, marami ring special guests sa show na magiging birthday celebration na rin ni Gary.
Magiging bahagi muli ng concert sina Sam Concepcion, Iya Villania at ang The Maneouvres. Pero sey ni Gary, “Meron kaming kinakausap ngayon, matagal ko na rin siyang hindi nakakasama on stage, at bilib na bilib talaga ako sa galing niya as a performer, sana pumayag siya na maging guest namin this time.”
Proceeds of this concert will go to Unicef, The Shing Light Foundation, Philippine National Red Cross at sa mga Yolanda victims. For ticket inquiries, call lang kayo sa SM Tickets, 470-2222 or visit www.mallofasia-arena.com.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.