House Bill 4462 inalmahan | Bandera

House Bill 4462 inalmahan

Leifbilly Begas, Lito Bautista - July 02, 2014 - 03:00 AM


Hindi nagustuhan ng mga nagmomotorsiklo, kasama ang mga taga-Compostella Valley, ang House bill 4462 o ang Motorcycle Safety for Children Act na inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa.

Ipinagbabawal ng panukala ang pagsakay sa motorsiklo ng mga batang wala pang 10 taong gulang. Hindi rin malinaw kung kasama sa panukala ang scooter na bagamat dadalawa rin ang gulong ay maraming pagkakaiba sa motorsiklo.

Ang panukala ay akda nina Representatives Lani Mercado-Revilla (Cavite), Susan Yap (Tarlac), Romeo Acop (Antipolo) at Cesar Sarmiento (Catanduanes).

Sa teritoryo nina Revilla, Yap at Sarmiento, patuloy ang paglaki ng bilang ng mga motorsiklo, scooter, gayundin ang mga mas murang chargeable electric bikes. Mas marami pa sila ngayon sa mga four-wheel.

Ayon sa panukala, dalawa lang ang maaa-ring sumakay sa motorsiklo at maaari lamang maisiksik ang bata sa pagitan ng dalawang matanda sa panahon ng emergency.

Hindi naging malinaw ang pakahulugan sa “emergency situation” dahil maaaring gumawa ng dahilan para magkaroon ng emergency at makaiwas sa huli.

Ang bata na 10-taong-gulang pataas ay dapat ding magsuot ng protective crash helmets. Hindi rin basta 10-anyos na ay maaari nang sumakay ng motorsiklo, kailangan ang mga paa nito ay aabot sa foot peg.

Ang mga hindi susunod ay magmumulta ng P3,500, P5,000 at P10,000. Sa laki ng multa, tiyak na tiba-tiba ang mga nagpapa-areglong traffic enforcer na makahihirit ng mas malaking kotong.

Narito ang ilan sa mga saloobin ng mga nagmomotorsiklo: “Mahirap lang kami at ang mga anak ko ay sumasakay lamang sa habal-habal.  Saan kami pasasakayin ni Presidente Aquino?” …3637, Monkayo.

“Tatanggalan pala ako ng hanapbuhay ng gobyerno.  Mag-NPA na lang ako.” …1900, New Bataan. “Wala na bang pahihirapan ang mga congressman kundi ang mahihirap.  Hindi ba ninyo kayang gayahin si Way Kurat?” …7612, Pantukan.

Dapat maintindihan ng mga mambabasa na naipasa man ito sa Kamara, kailangan pa itong maipasa sa Senado. Kaya hindi pa huli para mag-lobby sa mga senador na huwag itong ipasa.

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

MOTORISTA
Milyahe
BAKIT madaling masira ang milyahe (speed meter)?
Lance

BANDERA
HINDI mo binanggit ang brand ng motorsiklo o scooter.  Gayunpaman, kailangang lapat ang mga turnilyo ng bahay ng speedometer dahil mas madalas maalog ito kesa sa mismong katawan ng motor.

Dahil sa malambot na suspension o shock sa harap ay karaniwang hindi nararamdaman ng rider ang lakas ng alog.  Maaari ring mula sa kable ang sanhi ng pagkasira ng speedometer, na karaniwang nangyayari.

Maraming replacement cable pero mas makabubuti na ang mismong brand ang ipalit.  Karaniwang replacement cable ay mas mahaba ang kable kesa original, kaya’t may peligro na sumabit ito habang tumatakbo.

Mahalaga ang speedometer dahil bukod sa milyahe na sinusukat nito ay gabay din ito para hindi sumobra ang bilis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending