Kris iniskandalo ang buhay ni Bistek: Siya pa nga ang dapat na mag-sorry! | Bandera

Kris iniskandalo ang buhay ni Bistek: Siya pa nga ang dapat na mag-sorry!

Cristy Fermin - June 29, 2014 - 03:00 AM


Ito namang si Kris Aquino! Nananahimik na nga ang buhay ni Mayor Herbert Bautista mula nang sabihin nito na wala nang pag-asang magbalik pa ang pagiging close nila, pero heto na naman si Tetay, binubulabog na naman ang politiko sa pagsasabing kailangan daw nitong mag-sorry sa kanya nang personal.

Ikinasama ng loob ni Kris ang pagsasalita ni Mayor Herbert na mahal nito ang kanyang mga anak. Ang kanyang katwiran, sana raw ay no comment na lang ang isinagot ng aktor-politiko sa tanong, mahirap daw bang gawin ang ganu’n?

Sabi agad ng propesor naming kaibigan, “Puwede ba, Kris, walk your talk! Hiyang-hiya naman kami sa iyo! No Comment? Bakit, ikaw ba, marunong kang magpigil ng dila mo?”

May katotohanan naman ang pagpuna ng aming kausap dahil parang gilingan ang bibig ni Kris, para siyang manyikang de-susi na ayaw nang magpahinga sa kasasalita oras na nagsimula na siya, si Kris pa nga ba naman ang may karapatang magturo kay Mayor Herbert na sana’y nag-no comment na lang ito nang tanungin tungkol sa naunsiyami nilang pagmamahalan?

Ang makapagsasabi nga lang naman ng ganu’n ay isang taong nagko-comment din kapag alam niyang may masasaktan sa kanyang mga sinasabi, ‘yung marunong pumreno ang bibig, hindi tulad ni Kris na oras na kumuda na ay parang wala nang bukas pang kasunod ang ngayon.

Sa totoo lang, malinaw tuloy ang senyales na hanggang ngayo’y hindi pa rin siya nakahahakbang nang pasulong mula sa pagkabigo ng kanilang relasyon ni Mayor Herbert, nagpapapansin pa rin siya.

Kung minsan ay saliwa talaga sa tugtog ang mga sinasabi ni Kris, hindi ‘yun ang hinihingi ng sitwasyon, lalo na’t nagbitiw siya ng pangako na kailanman ay hindi na siya magsasalita pa tungkol sa aktor-politiko dahil tapos na ang lahat sa kanila.

Ano’ng dapat ipag-sorry sa kanya ni Mayor Herbert nang personal? Hindi ba’t parang siya pa nga ang dapat manghingi ng paumanhin kay Mayor Herbert dahil ginulo niya ang nananahimik na buhay nito?

Inuuna muna kasi ni Kris Aquino ang pagpe-press release, nauunsiyami tuloy ang kanyang pakikipagrelasyon, naiiwan tuloy siyang luhaan at nakanganga.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending