‘Kailangan bang magpakamatay ni Boy Abunda para kay Ate Guy?’ | Bandera

‘Kailangan bang magpakamatay ni Boy Abunda para kay Ate Guy?’

Jobert Sucaldito - June 29, 2014 - 03:00 AM


IPINANGANAK na Noranian si Kuya Boy Abunda and everyone knows that – pareho kaming lumaki sa era ni Mama Guy. And since then, we had been very vocal about our being earnest fans of the Superstar.

Habang nananahimik ang ibang nagkukunwaring Noranians ay alam na ng buong mundo kung kanino kami,  kung gaano namin kamahal ang nag-iisang Superstar.

Hindi na rin namin kailangang ipaalam kahit kanino ang relasyon namin sa mahal nating idolo kaya walang ni isang may karapatang husgahan kami lalo na si Kuya Boy na sobrang lalim ang pakisamang ginawa kay Mama Guy and vice versa.

Nitong nakaraang mga linggo kasi ay maraming Noranians ang nasaktan matapos na ilaglag ni Pangulong P-Noy si Ms. Nora Aunor sa listahan ng pararangalan bilang National Artist and every Noranian in town spoke their hearts – inilabas ang sama ng loob sa Malakanyang dahil dito.

Isa rin si Kuya Boy sa nagsalita sa The Buzz tungkol sa kanyang pagkadismaya. He even said na she truly deserved it.  But you know, hindi naman siya tulad nating lahat – na walang dapat pangalagaang pangalan at trabaho.

As much as he’d like to fight everyone on this, kailangang ibalanse rin ni Kuya Boy ang mga bagay-bagay bago siya magsalita. You know naman how decent he is sa pagtalakay ng bawat isyu.

Iyan ang mahirap sa katayuan ni Kuya Boy – kay bilis niyang mapulaan unlike the many Noranians na nakisali lang, nagsasalitang parang mga loose canons dahil wala silang pinangangalagaang karera.

Nitong mga nakaraang araw ay masyadong masakit ang mga tira ng netizens kay Kuya Boy dahil parang nabahag daw ito sa partner na si Kris Aquino dahil sa hindi nga nito masyadong maipaglaban daw ang karapatan ni Mama Guy na maging National Artist.

Ang feeling ng iba ay parang kinakampihan pa ni Kuya Boy ang administrasyong ito sa maling desisyong iwaglit ang pangalan ni Mama Guy as one rightful recipient sana.

Some called him balimbing – some called him traydor. Napakaraming masasakit na salita ang ikinabit nila kay Kuya Boy. Yung iba nga siguro ay hindi na nag-isip, ang gusto yata nila ay awayin ni Kuya Boy si P-Noy or si Kris Aquino dahil dito.

Ang gusto yata nilang makita ay mag-resign si Kuya Boy from work para ipakita ang simpatiya kay Mama Guy. Hoy, huwag kayong mag-ilusyon.

Hindi pagiging balimbing ang hindi pang-aaway ni Kuya Boy sa Malakanyang. Hindi ito nabahag kay Kris, hindi naman sa pagiging wais kaya hanggang doon lang ang kaya niyang gawin para ipagtanggol ang ating Superstar – he has done his part. In one episode of The Buzz ay nagsalita na siya – isn’t that enough?

Anong gusto ninyo? Na everyday ay magngangawa si Kuya Boy to support Mama Guy? Na mag-Harakiri siya para magmukhang bayani dahil kay Ms. Nora Aunor? Maging matalino naman sana tayo to understand each and every situation. Huwag masyadong maangas.

Sige nga, magbilangan tayo ng suporta kay Nora Aunor. Ano ba ang nagawa ninyo sa kaniya para lalong iangat ang karera niya? Eh, kung yung mga pelikula ni Mama Guy ay hindi nga ninyo masuportahan sa takilya eh, sa pagngawa lang kayo magaling.

Hindi naman natin nilalahat ang Noranians dahil marami kaming kilala who are willing to die for her at supported ang lahat ng projects niya – pero ang marami rin sa kanila ay deadma naman pag may project si Mama Guy, di ba? Hanggang dakdak lang ang iba.

Alam pareho nina Kuya Boy at Mama Guy ang damdamin nila para sa isa’t isa. Nagkakaintindihan ang dalawang iyan more than anyone of us. Unawain sana natin ang sitwasyon ng bawat isa.

Kung puwede ko nga lang pagmumurahin si P-Noy sa radyo dahil dito ay ginawa ko na sana pero bawal – bawal sa pagiging disente naming journalists ang gumamit ng foul words.

Tanong ko lang, pag inaway ba ni Kuya Boy si P-Noy at si Kris ay mababago ang desisyon sa pagiging National Artist ng Superstar? Si P-Noy ang awayin ninyo, hindi si Kuya Boy. Kakampi natin iyan.

Nakakaloka ang mga taong ito. Hay naku, ayoko na lang magsalita pa at baka mabuwisit lang ako.

Kung hindi ninyo sana ibinoto si P-Noy at mga kaalyado niya ay di sana tayo nagdadalamhati ngayon. Sino ba ang dapat sisihin kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na ito – di ba kayo rin.

Kasi akala ninyo mabuti siyang public servant, na mababago niya ang buhay ninyo – from bad to better. Hindi pala, from bad to worst – hindi na dumaan sa WORSE ha, WORST agad. Di pa kayo nadala sa mga kadramahan ng pamilyang iyan.

Anong napala ninyo – pahirap sa buhay, di ba? Iyan ang kalintikang dulot ng pagpapabola ninyo. Tapos sa iba ninyo isisisi.
Kuya Boy Abunda is just being very decent sa mga bagay-bagay.

Hindi na niya kailangang magpatiwakal para patunayan ang loyalty niya kay Mama Guy. Kahit ang archrival ni Mama Guy na si Gov. Vilma Santos ay alam kung gaano ka-Noranian si Kuya Boy. The whole world knows that.

To win some battles, you don’t fight them all, intiendes? Sa mga Noranians, piece of thought lang – kaya palagi tayong kulelat kasi mahusay lang tayong magsalita pero kulang na kulang tayo sa gawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending