INISNAB ng Pangulong Noynoy ang burol ng retired police Director Marcelo “Jun” Ele sa St. Peter’s Memorial Homes sa Quezon City.
Sayang! Naipakita sana ng pangulo na sa kanyang liderato, wala siyang kinikilingan na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), ano man ang na-ging kanilang source of commission o pagpasok sa serbisyo.
Si Jun Ele ay isa sa pinakamagaling na star-rank officer ng PNP noong panahon niya.
Two-star general (equivalent to major general in the AFP) ang ranggo ni Ele noong siya’y
magretiro.
Na-cremate ang labi ni Ele kahapon matapos ang apat na araw na burol.
Imposibleng di nasabihan si P-Noynoy sa pagpanaw ni Ele na isang da-kilang opisyal ng pulis at maginoong tao.
Si Jun Ele ay recipient ng Dangal ng Bayan, ang pinakamataas na award na binibigay sa career civil service official or employee.
Ang nasabing karangalan ay katumbas sa Medal of Valor ng military.
Ang pagdalo ng pangulo sa burol ni Ele would have been much appreciated by Ele’s fellow retired officers and officers still in the service who are not graduates of the Philippine Military Academy (PMA).
Alam ninyo, mas marami ang mga hindi nagtapos sa PMA kesa sa mga PMAyers sa AFP at PNP.
Kakaunti lang ang mga PMAyers.
Pero sa pagpili ng maging AFP o PNP chief, pinipili ang PMAyers at binabale-wala ang mga opisyal na pumasok sa serbisyo sa pamamagitan ng Reserve Officers Training Corps (ROTC), sa integration into the regular force o sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Si Ele, na isang career officer, ay hindi nagtapos sa PMA.
Pero napantayan o nahigitan niya ang mga PMAyers noong panahon niya.
Isa siyang abogado (nagtapos sa Ateneo College of Law), helicopter pilot, scuba diver at paratrooper.
Napalaban din siya sa Mindanao noong bago pa siya sa serbisyo.
Siya ang topnotcher sa kanyang batch ng AFP second lieutenants na pumasok sa serbisyo sa ibang paraan maliban sa PMA.
Isa sa mga classmates ni Ele ay ang tanyag na Marine Col. Cesar dela Pena, isa sa mga namuno sa pagsalakay sa Camp Aguinaldo noong 1989 coup.
Si Ele ay na-assign sa Philippine Constabulary (PC), forerunner ng PNP at isa sa mga major branches ng AFP.
Siya’y matinong pulis at kaibigan ng mga sibilyan.
Kahit saan siya madestino, minahal si Jun Ele ng taumbayan dahil siya’y madaling malapitan at mapagkumbaba, pero kinatatakutan ng mga kriminal.
Mas lalong sumikat ang kanyang career nang siya’y namuno ng raid sa tiangge ng shabu sa likuran ng Pasig City Hall noong 2006.
Ilang daang katao ang naaresto sa raid, kasama na ang mga maybahay na bitbit pa ang kanilang mga musmos na anak.
Kung ang naging basehan ay accomplishments, professionalism at malinis na record sa pagpili ng PNP chief noong panahon ni Ele, siya sana ang napili.
Pero noong administrasyon ni Pangulong Gloria bale-wala ang mga accomplishments, professionalism at malinis na record kundi ang pagtatapos ng isang opisyal sa PMA.
Di binigyan ni Gloria ang mga non-PMAyers ng pagkakataon na mamuno sa AFP o PNP.
Isa pa, kailangang maglagay muna ang isang kandidato para PNP chief kay First Gentleman Mike Arroyo.
Walang lagay, walang pag-asang maging PNP director ng region o PNP chief.
Pinipili ni Mike Arroyo ang mga director ng mga regional police office na malaki ang pinagkakakitaan sa jueteng.
At bakit naman daw pipiliin si Ele bilang PNP chief o regional director samantalang di siya naglalagay kay Mike?
Kung hinirang si Jun Ele na PNP chief noon, baka walang iskandalo tungkol sa ghost deliveries o repairs ng rubber boats, V-150 armored carrier at pagbili ng PNP kay Mike Arroyo ng mga gamit na helicopters na pinalabas nab ago.
Hindi papayagan ni Jun Ele ang katarantaduhan ni Mike Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.