ISANG police official na makatao, tapat ang pagli-lingkod sa bayan at mapagpakumbaba noong nasa serbisyo pa siya ang pumanaw na.
Si retired Director (two-star general) Marcelo “Jun” Ele ay inatake sa puso noong Linggo ng hapon.
Magaling na opisyal ng Philippine National Police (PNP) si Jun Ele kahit na siya’y hindi graduate ng Philippine Military Academy (PMA).
Ang PMAyers ay tinuturing na mga “anak ng Diyos” dahil palagi nilang nakukuha ang pinakamataas na puwesto sa PNP.
Maraming hindi graduate ng PMA ang mas magaling at mas matalino.
Kabilang na rito si Ele na isang abogado (nagtapos sa Ateneo College of Law), helicopter pilot, scuba diver, paratrooper at rider ng big motorcycle.
Pero hindi siya pinalad na maging PNP chief dahil ang puwestong ito ay laan daw sa mga PMAyers.
Nakilala ko si Ele noong 1994 nang siya’y PNP provincial director ng Palawan.
Mahal na mahal siya ng taumbayan dahil bukod sa siya’y low profile, madaling makipagkaibigan at mada-ling malapitan ng ordinaryong tao.
Mas lalo siyang sumikat sa Palawan nang mawala siya sa probinsiya at na-
assign sa ibang lugar.
Ang kanyang naging kapalit, si Supt. Elnora Bernardino, ay abusado, mapagmalaki at kinatatakutan dahil marami itong bodyguards na armado ng Uzi machine pistols kapag gumagala sa siyudad ng Puerto Princesa.
Ilang beses ding napabalita na nanampal ng ordinaryong mamamayan si Bernardino dahil lang sa maliit na bagay gaya ng nakaharang daw sa kanyang dinadaanan.
At ang nakapagtataka, si Bernardino ay isang babae! Bihira kasi sa isang babaeng lider na abusado.
Nakadaupang-palad uli kami ni Jun Ele nang siya’y naging hepe ng Police Aviation Security Group na ang headquarters ay nasa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dito niya nakuha ang Dangal ng Bayan, ang pinakamataas na award na ginagawad sa isang civil service official or employee. Ang rough equivalent ng Dangal ng Bayan ay ang Medal of Valor ng Armed Forces.
Ang “Dangal” ay nakukuha sa katangi-tanging panunungkulan at dedikasyon ng isang civil service official or employee.
Kahit saan kasi mapunta o ma-assign si Ele, siya’y sumisikat kahit na siya’y low profile.
Ang Taguig police station, kung saan si Ele ay police chief bago napunta sa Palawan, ay naging Police Station of the Year.
qqq
Ang hindi ko makalimutan kay Jun Ele ay ang pagplano sa pag-raid sa shabu tiangge sa Pasig noong 2006.
Inatasan si Ele ni PNP chief Art Lomibao na manguna sa raid ng tiangge ng iligal na droga matapos na madiskubre ito namin ng kapatid kong si Erwin.
Napili si Ele dahil siya’y “malinis” na ang ibig sabihin ay walang siyang kinasasangkutan na mga sindikato gaya ng carnapping o droga.
Ang shabu tiangge, na nasa likod ng Pasig City Hall, ay heavily guarded. May ilang impormante na ang pinatay nang madiskubre sila ng sindikato.
Tanging kami lang apat nina Lomibao, Ele, Erwin at inyong lingkod nang nakakaalam ang planong raid.
Very successful ang raid dahil sa complete silence before the undertaking.
Nagulantang na lang ang mga miyembro ng sindikato nang nagsilabasan ang mga police commandos (miyembro ng Special Action Force) sa ilang nakasaradong delivery vans sa harap ng tiangge.
Maraming nahuli. Kasama na rito ang mga maybahay na dala-dala ang kanilang mga anak na nagsadya muna sa shabu tiangge bago bumili ng ulam sa palengke.
Kung si Ele, na pumasok sa serbisyo noong 1974, ay naging PNP chief, wala sanang mga baho sa PNP gaya ng pagbili ng mga rubber boats and pag-repair ng B-50 armored carrier, at pagbili ng helicopter.
Malinis kasi ang record ni Jun Ele.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.