Andi sa pamilya Estrada: Kakayanin nila ‘yan! | Bandera

Andi sa pamilya Estrada: Kakayanin nila ‘yan!

Ervin Santiago - June 26, 2014 - 03:00 AM


Siyempre, nakikisimpatya si Andi Eigenmann sa pinagdaraanan ngayon ng pamilya ng boyfriend niyang si Jake Ejercito dahil nga sa pagkakakulong ng half-brother nitong si Sen. Jinggoy Estrada.

Sey ng kontrabida ni Anne Curtis sa fantaseryeng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN, naniniwala siya na makakayanan ng Estrada family ang problemang kinakaharap nila ngayon.

“Siyempre nakilala ko po sila and kaibigan ko din po ‘yung family nila. I know kaya nila ‘yan kahit ano pa iyan. I know they are strong people and whatever that is, malalagpasan naman po nila iyan,” sey ni Andi sa interview ng ABS-CBN.

Samantala, Andi just turned 24 years old yesterday, at nag-celebrate siya ng kanyang birthday sa taping ng Dyesebel. At kung natuloy ang plano niya, nag-dinner lang sila ng kanyang family kasama ang anak na si Ellie.

Ano ba ang kanyang birthday wish, “Basta maging masaya lang.” At sana raw patuloy na suportahan ng mga manonood ang Dyesebel.

“Yung mga eksena patindi na ng patindi. Marami nang nangyayari ngayon. Maaksyon na ang buhay ni Dyesebel. Even my character, nagde-develop na ‘yung character ni Betty into a villain na siya na ‘yung kalaban ni Dyesebel,” kuwento pa ni Andi.

In fairness, parang malapit nang matapos ang Dyesebel dahil puro highlights na ang napapanood ng viewers gabi-gabi. Pero sabi ni Andi, maraming-marami pang mangyayari kaya huwag na huwag bibitiw ang mga manonood.

Kaabang-abang ang susunod na hakbang ng mga kalaban nina Dyesebel (after TV Patrol), paano  kaya nila mapaghihigantihan ang mga tagalupa? Mapatay  kaya nila si Dyesebel at ang mga mahal nito sa buhay?

Paano ipagtatanggol ni Fredo (Gerald Anderson) si Dyesebel mula sa kamay ni Liro (Sam Milby)?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending