Matteo 3 taon maghihintay bago mapakasalan si Sarah
GUSTO nang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya ni Sarah Geronimo sa edad na 29 o 30. Ibig sabihin, tatlo hanggang apat na taon na lang ang hihintayion ni Matteo Guidicelli para maging asawa ang Pop Princess.
Sa interview ng The Buzz kay Sarah last Sunday, sinabi nitong hindi biro ang pagpapakasal kaya dapat daw pinag-iisipan itong mabuti at pinaghahandaan.
“Ang ideal age for me is before 30, or sana 29. Kahit matagalan nang konti basta wala naman po sa edad iyan. Pag natagpuan mo na ang tamang panahon, tamang ikaw at tamang partner din, yun na,” chika ng singer-actress.
Naa-appreciate rin daw ni Sarah ang lahat ng mga ginagawa ni Matteo para sa kanya at sa kanyang pamilya, “Siyempre thankful naman tayo sa Diyos dahil everything that’s happening, kumbaga na-bless ako ng ganitong klaseng relationship, kasi mabait na tao naman si Matteo at talagang matiyaga.”
At muli, ipinagdiinan ng Pop Princess na mahal na mahal niya ang kanyang boyfriend kay “Mahal” ang tawagan nila, “Oo. Oo naman, kasi mahal ko yun eh. Mahal ko yun talaga.”
Agree naman si Sarah na naging matiyaga talaga si Matteo sa panliligaw sa kanya pati na rin sa kanyang mga magulang, “Ano naman iyan eh, continuous iyan. Dapat hindi natatapos ang effort mo na ligawan (ang parents).
Kasi ako okay na ako, yung magulang na talaga.”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.