Angelica: Malaki akong mag-tip pag lasing! | Bandera

Angelica: Malaki akong mag-tip pag lasing!

Ervin Santiago - June 26, 2014 - 03:00 AM


Nagsalita na si Angelica Panganiban tungkol sa isyu sa kanila ni John Lloyd Cruz tungkol sa diumano’y madalas nilang paglalasing sa  bar.

“Ang opinyon ko, hindi ko nakikitaan ng problema ‘yong pag-inom, o ‘yong social drinking. Ang masama kung sumobra ka, may mga nangyayari nang hindi maganda, hindi ka na nakakapunta ng trabaho, o hindi ka na nakaka-perform nang maayos,” paliwanag ng aktres.

Ipinagtanggol din niya ang sarili at si John Lloyd sa mga taong ang tingin sa kanila ay lasengga at lasenggo, “Kahit na uminom siya wala siyang tinatapakang mga tao at ganoon din ako.

Wala kaming inaagrabyado. Mabait pa nga kami ‘pag nakainom, mas malaki nabibigay kong tip.” Ang kumpletong interview kay Angelica sa Tapatan Ni Tunying ni Anthony Taverna ngayong 4 p.m. sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Sa hiwalay na panayam ni Tunying ay matapang na inamin ni Jhong Hilario na nakagamit na siya ng ilegal na droga. Nangyari ito noong kasagsagan ng kasikatan ng grupo nila noong Street Boys.

“Uso pa ‘yong ecstasy dati. Kasi minsan kapag napabarkada ka talaga lalo na’t kung nag-eenjoy ka doon sa barkada mo na may ginagawang kalokohan, minsan hindi ka makahindi,” pag-amin ni Jhong.

“Noong nabigyan ako ng chance dito sa industriya, hindi ko na sinayang. Inalis ko na lahat ‘yon. Kinalimutan ko na lahat ‘yon. Ang ginawa ko na lang talagang nag-concentrate ako doon sa craft ko,” ani Jhong.

( Photo credit to angelica panganiban official fanpage )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending