Shaina maligaya kahit walang dyowa
MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Shaina Magdayao at Ejay Falcon sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado ng gabi.
Gagampanan ni Shaina ang karakter ni Berna, isang mayamang honor student na nangarap makatuluyan ang isang lalaking magbibigay sa kanya ng mas masaganang buhay.
Ngunit nang magtapos siya sa kolehiyo, nahulog ang loob niya sa isang gwapo at masipag na konduktor ng jeep na si Mark (Ejay). Mapipigilan ba ang puso na umibig sa isang taong malayo sa iyong inaasahan?
Tampok rin sa isa na namang espesyal na episode ng MMK sina Sheryl Cruz, Gerald Madrid, Cris Villongco, Almira Muhlach, Ron Morales, Matet de Leon, Melai Cantiveros, Wendy Tabusalla, Carlo Romero, KitKat at Vandolph Quizon.
Ito ay sa direksyon ni Eric Quizon at sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.
Huwag palampasin ang Natatanging Dulang Pantelebisyon ng 2014 Gawad Duyan Media Awards, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.
Samantala, wala pa ring boyfriend si Shaina hanggang ngayon, at hindi raw totoong nagkakamabutihan na sila ni Piolo Pascual. Hinihintay pa rin daw niya si “Mr. Right” until now, pero hindi naman siya naiinip.
Happy siya sa pagiging single, naniniwala siya na darating at darating din ang taong inilaan para sa kanya. Ayon pa sa sister ni Vina Morales, ang pinakamasaya raw na parte ng pagiging single ay ang pagkakaroon niya ng “freedom”. Ine-enjoy din daw niya ang kanyang pagiging loveless sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na gustung-gusto niyang gawin.
Pero siyempre, iba pa rin daw ang feeling kapag may boyfriend. Matagal nang walang dyowa si Shaina, ang huli pa niyang BF ay John Lloyd Cruz pa. Nag-break sila noong 2012.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.