Jinggoy di maarte sa kulungan—PNP | Bandera

Jinggoy di maarte sa kulungan—PNP

- June 25, 2014 - 03:52 PM


HINDI nahirapan si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada  na makapag-adjust sa loob ng kulungan, ayon sa Philippine National Police (PNP). “He was quick to adapt.

We have not heard any complaints from him,” sabi ni PNP Public Information Office (PIO) head,  Chief Supt. Reuben Theodore Sindac. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakulong si Estrada dahil sa kasong plunder.

Idinagdag ni Sindac na sa unang gabi sa kukungan ay natulog ang senador ala-1 ng umaga.

Kakosa si Bong
Magkasama na sina Estrada at kaibigang  si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Camp Crame kaugnay ng kasong plunder na kanilang kinakaharap.

“This morning, Senator Revilla got up first. An hour after, Senator Estrada woke up at 7:30 a.m.,” ayon pa kay  Sindac. Aniya, naghanda ang PNP ng  hotdog at itlog para sa agahan at tinolang manok para sa tanghalian ng dalawang senador, subalit hindi nila ito ginalaw dahil dinalhan sila ng pagkain ng kanilang pamilya.

Idinagdag ni Sindac na wala namang karagdagang kahilingan si Estrada para sa kanyang kuwarto. “But if he would request for any additional item, it must be coursed through the courts first before we could allow it,” dagdag niya.

Kris ipinagdarasal si Jinggoy
Samantala, sinabi ng aktres/TV host at bunsong kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino na nananalangin siya na hindi maaapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Estrada sa pagkakakulong nito.

“Sa politika, marami nang napagdaanan pero siguro napatunayan na we have remained friends and I pray that we will continue to remain friends,” sabi ni Aquino sa kanyang  talk show na “Aquino & Abunda Tonight” kung saan kasama niya si  Boy Abunda.

Inamin ni Aquino na kinausap siya ni Estrada bago at pagkatapos ng kanyang privilege speech sa Senado noong Hunyo 11.
Ayon kay Aquino, sinabi sa kanya ni Estrada na nag-aalala siya para sa kanyang mga anak, lalo na sa walong-taong-gulang na si  Jill.

Aniya, sana ay hindi makaapekto ang politika sa  kanilang pagkakaibigan. “Our prayers are with you. I am sure they have the best lawyers possible. To their whole family, we will be praying,” dagdag ni Aquino.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending