Popsters may warning kay Matteo: Kapag niloko mo si Sarah, patay ka! | Bandera

Popsters may warning kay Matteo: Kapag niloko mo si Sarah, patay ka!

Ervin Santiago - June 25, 2014 - 03:00 AM


PINANININDIGAN ni Sarah Geronimo ang relasyon nila ng Kapamilya hunk actor na si Matteo Guidicelli. Tama ang obserbasyon ng mga tagasuporta ng Pop Princess na nagwagi sila laban sa mga taong kumokontra sa kanilang pag-iibigan.

Balitang-balita kasi na wala nang nagawa ang mga magulang ni Sarah nang ibandera niya sa buong mundo na boyfriend na niya si Matteo, ibig sabihin, matapang na at palaban ang singer-actress-TV host at handa na niyang hamakin ang lahat masunod lang ang pagmamahal niya kay Matteo.

Marami ring mga kaibigan ng magdyowa ang kinilig sa tawagan nila sa isa’t isa, inamin ni Sarah na totoong “Mahal” ang term of endearment nila ni Matteo. Sinabi rin ni Sarah  na isang malaking blessing sa buhay niya ang aktor.

“Siyempre, thankful naman tayo sa Diyos. Everything that’s happening, you know…kumbaga, binless din ako ng ganitong klaseng relationship, ganitong klaseng relasyon.

Kasi, mabait na tao naman si Matteo. At saka, matiyaga,” pahayag ni Sarah G. Nakilala na rin ng singer-actress ang pamilya ni Matteo, aniya, “Okey naman po. Okey naman pong lahat. Napakabait na tao ni Matteo.”

Pero meron kaming nabasa sa social media na nagbabanta kay Matteo – huwag na huwag daw nitong lolokohin si Sarah dahil tiyak daw na ‘yun na rin ang katapusan ni kanyang career!

Baka raw hindi na makayanan ni Sarah ang kabiguan sakaling masira rin ang kanilang relasyon.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending