Osang hinukay ang sariling libingan; supalpal kay Raymart | Bandera

Osang hinukay ang sariling libingan; supalpal kay Raymart

Cristy Fermin - June 24, 2014 - 03:00 AM


Napakaganda ng naging desisyon ni Raymart Santiago na huwag na lang pansinin ang mga patutsada ng isang babaeng nagpapapansin dahil wala na nga siya sa gitna ng laban ngayon.

Sa gitna ng mga nagaganap sa kanila ni Claudine Barretto ay uunahin pa ba naman ng action star ang pagbibigay ng panahon sa mga taong nangangailangan ng lilim sa ilalim ng araw ngayon?

Pabayaan na lang ng aktor na magngangakngak si Rosanna Roces, tutal naman ay wala nang sumeseryoso sa kanya, magsisigaw man ngayon si Osang ng kung anu-ano ay hindi na naniniwala sa kanya ang ating mga kababayan.

Si Rosanna rin naman kasi ang naghukay ng kanyang libingan sa showbiz. Akala siguro niya’y malulusutan niya ang pagbangga sa mga tao at network na napakalaking milagro ang nagawa sa buhay niya, pero hindi siya nagtagumpay, semplang ang mapagmayabang na babae.

Nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ay palaging umaayon sa kanya ang pagkakataon, pero mula nang kagatin na niya ang mga kamay na nagpala sa kanya ay nagsimula na ang kanyang indulto, nawala siya sa sirkulasyon ng mga sikat na artista at naging pangdagdag na lang ngayon sa mga proyektong ginagawa niya.

Ganu’n lang naman ‘yun, pana-panahon lang, hindi ipinangangako ang bukas para sa mga artista. Ang ganu’ng klase ba ng babae ang papatulan pa sa pakikipagsagutan ni Raymart Santiago?

Huwag na lang. Sayang ang kanyang panahon. Sayang ang kanyang laway.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending