Jodi handang dalawin si Bong sa kulungan
IPINAGDARASAL ni Jodi Sta. Maria na sana’y malagpasan ng pamilya ng kanyang boyfriend na si Jolo Revilla ang pinagdaraanan nila ngayon.
Suportado pa rin ng Kapamilya actress ang pamilya Revilla lalo na ngayong nakakulong na si Sen. Bong dahil sa pagkakasangkot nito sa P10-billion pork barrel scam.
Ayon kay Jodi sa interview ng ABS-CBN, “Siyempre the family is going through a tough time right now. Siguro ang maibibigay na lang natin sa kanila is our prayers. I stand with them naman in prayer.”
Handa ring dalawin ni Jodi sa piitan si Sen. Bong bilang pakikisimpatya sa pamilya ng boyfriend niya, “During siguro my free time, oo bakit naman hindi, ‘di ba?” Kasabay nito, mas lalo pa raw tumibay ngayon ang relasyon nila ni Jolo.
“Hindi naman maiiwasan na hindi siya (Jolo) maapektuhan. Siya at ang buong pamilya niya ay kasama sa dalangin ko,” sey ni Jodi.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.