Ka Freddie mas gumaling sa pagkanta ng ‘ANAK’ dahil sa pang-aalipusta ni Maegan
MAAGA pa lang nu’ng Sabado ay nagdatingan na ang mga nais manood sa concert ng alaga nating tinaguriang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyalang si Michael Pangilinan sa kaniyang “Kung Sakali” concert sa Klownz Quezon Ave.
Nakakatuwa nga dahil napakarami naming pinagdaanan bago mabuo ang show na ito. Very musical kasi ang dating nito dahil one-piece band lang, ang napakahusay na si Tito Butch Miraflor ang nag-accompany sa kaniya unlike kung full band show na puwedeng pagtakpan ng instruments ang boses ng performer, di ba?
In short, kailangang maganda talaga ang boses ng singer para ma-appreciate ng audience – piano lang kasi ang tutugtog sa kaniya. We wanted to put in new concepts kasi sa show, yung tipong may something na bago para hindi naman pagsawaan ng audience ang style ni Michael.
Kaya nag-collaborate kami ni Tito Butch to put in some famous female hits like “It Takes Too Long”, “Where Is It I Belong?” and “Somebody Waiting” medley na super-kinabahan kami dahil these songs are very strange kay Michael.
Hindi naman kasi niya era yung mga songs na ito kaya it entails a few rehearsals para makuha niya nang tama. Thank God! Naitawid ng anak-anakan natin ang mga songs na iyon at maganda rin ang version niya ng “Betcha By Golly Wow” na hindi Stylistics ang style.
“Magaling talaga ang batang iyan. Gusto ko iyang si Michael Pangilinan, ke bata pero ang husay kumanta ng mga old songs. Kaya suportado ko talaga iyan,” sabi ng movie queen na si Ms. Amalia Fuentes who came to the show with two friends.
Maagang dumating si Tita Nena dahil ayaw daw niyang ma-miss ang pagkanta ng alaga namin. Dumating din sina Ms. Sylvia Sanchez with her friends, so with Joel Cruz of Aficionado Germany Perfume and Nanay Jojit de Nero.
Maya-maya dumating din sina Mommy Amor with beautiful daughter Alliyah (mom and sister ni Papa Aljur Abrenica), then sumunod namang dumating sina kafatid na Connie Resurreccion with Mommy Carol Santos (Juday’s mom) in tow.
Many press friends natin came to support too. Thank you anak na Dominic Rea na sobra rin ang pagod sa show na ito, same goes to Papa Ambet Nabus, Pilar Mateo, Richard Pinlac, Wendel Alvarez, Tito Bong de Leon, Roel Caba of the Philippines, Jacklord Alipoon, Ady Siwa, Roland Lerum, Rhon Romulo, Boy Romero, Romel Galapon, and many more.
“Gustong-gusto ko ang tunog nina Richard Poon, Prima Diva Billy and Michael sa duets/medley nila. Hindi ko nga napansin na nangangapa sila during their performance dahil ang gagaling nila.mAng guwapo ni Michael ngayon, bagay sa kaniya ang pagkapayat niya,” ani Lito Alejandria na nakabati ko na a few days ago.
Ha-hahaha! Tapos na ang kalbaryo ng buhay namin, di ba? Isa sa pinakakinilabutan kami sa husay ay si Ka Freddie Aguilar. Tatlong songs lang kasi ang usapan namin kaya tutok na tutok kami sa kaniya.
He arrived the earliest sa lahat ng guests – very professional talaga. Ganda pa ng bihis sa stage, pang-world class kumbaga. Yung first two songs niya ay very rock of his old hits – galing!
Nagdarasal akong kantahin sana niya ang sikat na sikat niyang “Anak” na naglagay sa bansa natin sa mapa ng world music. Maya-maya ay nag-intro na sila ng last song niya – parang hindi “Anak” ‘kako pero suddenly the intro led to the song kaya hiyawan ang mga tao.
And when he sang that famous song, nangilabot kami sa sobrang husay at punumpuno nang puso. “Walang ibang puwedeng kumanta niyan kungdi siya lang talaga, walang kakupas-kupas.
Lalo pa’t meron siyang pinagdadaanan sa kaniyang anak (Maegan) kaya ramdam na ramdam mo ang meaning ng song. Kudos to you, Ka Freddie, you’re simply the best,” ani kaibigang Nixon Teng ng Bengar Industrial Corp.
Boobsie Wonderland stole a scene too during the show when she did her stand-up. Sumakit ang tiyan namin sa katatawa. Sa portion na ni Boobsie namin ipinasok ang guest naming bagets na si Hannah Nolasco who looked very promising naman.
In short, enjoy ang buong kabaklaan sa show ni Michael Pangilinan, naitawid niyang mabuti ang concert. Sa totoo lang, para kaming baliw ni Michael. Just right before the show, hinanap ko ang ibang kasama namin para magdasal.
Since busy yata silang lahat, kaming dalawa na lang ni Michael ang nagdasal silently. As in, dalawa lang kami sa gitna ng mga nagtatakbuhang artists sa backstage, na taimtim na nagdasal para gabayan kami ni Lord.
And thank you, dear God, dahil hindi mo kami pinabayaan. “Kung Sakali” the concert was such a hit – maraming gustong dalhin ang show na ito sa ibang mga lugar kaya pinag-aaralan na namin ang dates.
Thanks to all the presenters, major sponsors at mga kaibigan natin who supported this humble event for Michael. Thanks a million to all of you.
( Photo credit to freddie aguilar official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.