Sarah: Boyfriend ko na si Matteo, at ‘MAHAL’ po ang tawagan namin! | Bandera

Sarah: Boyfriend ko na si Matteo, at ‘MAHAL’ po ang tawagan namin!

Alex Brosas - June 21, 2014 - 03:00 AM


EXPECTED na ang ginawang pag-amin ni Sarah Geronimo na magdyowa sila ni Matteo Guidicelli. After all, buking na buking na naman talaga na meron silang relasyon at tanga lang ang maniniwalang friends lang sila.

Nangyari ang pag-amin ni Sarah sa victory party ng “Maybe This Time”, ang movie nila ni Coco Martin. When asked kung mahal talaga ang tawagan nila, bagay na nabuking dahil sa isang text message ni Matteo na na-wrong send kay direk Wenn Deramas, kaagad na umamin si Sarah sa isang interview sa website ng Dos, saying, “Oo naman (ganoon po ang tawagan namin).”

Later, she admitted that she and Matteo are now a couple, “Sige, sabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo. Kasi marami ding nagsasabi na paligoy-ligoy…so, gano’n po.”

Ipinaliwanag din ng Pop Star na “Hindi naman maganda na magtatawagan kaming mahal kung wala naman kaming relasyon, ‘di ba? So, opo (mag-boyfriend kami).”

Ang nakakaloka lang, si Sarah pa ang umamin sa kanilang relasyon. Hindi ba’t dapat ay si Matteo ang unang nagpainterbyu para sabihing girlfriend niya si Sarah? Hindi ba’t mas proper ang ganoon?

Does it not leave a bad taste in the mouth na ang babae pa ang umamin sa kanyang relasyon sa isang lalaki? Ang tanong ngayon, may blessing ba ni Divine ang ginawang pag-amin ng kanyang anak sa tunay nitong relasyon kay Matteo o ginawa lang ito ni Sarah para matapos na ang tsismis sa kanila ng young actor?

Marami naman ang tuwang-tuwa sa pag-amin ni Sarah. One guy said, “Sa wakas. Umamin nadin. Hehe.” “OH MY GOD! biglang bumilis tibok ng HEART ko! AYAN ANG PAG AMIN NA MATAGAL INAANTAY NG MGA TAO:)”

“Not a fan of sarah, but im so happy for her! keber na kay mudrabels! hahaha sana lang pag gising mo kinabukasan, may buhok ka pa sarah. baka kalbuhin ka ni madir divine! Haha!”

Ilan lang ‘yan sa comments na aming nabasa sa isang website. Ang nakakaloka ay ito, “This will create a trend in local biz. Babae na ang umaamin at si Sarah pa talaga.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending