Sulat mula kay Sharon ng Pilar, Agusan del Norte
Dear Sir Greenfield,
Labis na ang kahirapan ng buhay dito sa amin. Halos magnakaw na ang mahihirap. Mabuti na lamang dahil ang aking pamilya ay nakararaos kahit paano. Ang tatay ko ay nasa Saudi at malaki-laki rin naman ang suweldo niya. At dahil nakatira pa ako sa magulang ko ay hagip ako ng biyaya na ipinadadala ng tatay ko. Lumalaki ang mga bata kaya dumarami rin ang kanilang mga kailangan sa paaralan, na kailangang tustusan. Bukod dito, nag-aaral din ang iba ko pang kapatid, at pati na rin ako na balik-eskuwela. Pero, nitong huling buwan ay kapos na ang ipinadadala ng tatay ko at ang konting kita ko ay di na rin nakasasapat. Balak ko nang mag-abroad, sa Malaysia o sa Saudi. Nais kong malaman kung makapaga-abroad ako. Gusto kong mag-abroad para makatulong ako sa aming pamilya at magkaroon ng sariling bahay at lupa. Kailan ito mangyayari? May 15, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Sulat mula kay Sharon ng Pilar, Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahon ng kapalaran tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Basta ang mahalaga ngayon, pagbutihin mo lang muna ang iyong pag-aaral.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Seven of Diamonds at Five of Clubs ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakatapos ka ng pag-aaral, makapaga-abroad ka na.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.