Regine bumili ng gatas ng ina para kay Baby Nate | Bandera

Regine bumili ng gatas ng ina para kay Baby Nate

- January 22, 2012 - 03:24 PM

NAKAKATUWA naman dahil kahit medyo off-season (aside from the Chinese New Year) ay mahalaga para sa dalawang couples ang araw na ito – kina Ogie Alcasid and wife Regine Velasquez dahil binyag ng anak nilang si Baby Nate today and of course, sa ikakasal sa araw na ito sina Councilor Shalani Soledad and Rep. Roman Romulo.

Love namin pareho ang couples na ito. Ogie and Regine are our colleagues sa showbiz and we never had bad blood with any of them.

Mahal namin sila pareho kaya it follows na mahal din namin ang bagets nila. Bongga ang line-up ng ninang at ninong ni Baby Nate – nine pairs yata led by Rep. Manny Pacquiao.

But mind you ha, ito’y Church baptism ni Baby Nate at meron pa itong kasunod na Christian ceremony soon dahil sa pagkakaalam ko Christian si Ogie, tama?

Ito ang araw ng pag-welcome natin kay Baby Nate sa pagiging Kristiyano.

Sayang nga lang at hindi makakarating ang isa sa magiging ninang sana niya – ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren pero nangako  itong tatagpuin na lang sila sa birthday ni bagets sa Singapore.

Napakasuwerteng bata nitong si Baby Nate, kung alam lang niya na parehong superstars ang kanyang mga magulang.

Ganyan talaga ang buhay – some are just born blessed, di ba?

Mismong ang Asia’s Songbird nga ang nagsabi na halos wala na silang biniling mga gamit ng bagets dahil napakarami raw nagregalo sa kanila nu’ng ipinagbubuntis pa lang niya ang kanilang anak.

Ang isa lang daw sa binili nila ay ang ilang bote ng breastmilk nu’ng wala pang masyadong lumalabas na gatas sa kanyang dibdib. Pero ngayon daw ay sagana na raw sa gatas ng ina si Baby Nate mula mismo kay Songbird.

Anyway, ngayong araw ding ito ang kasalang Shalani and Roman at balita namin ay hindi nga raw sila kumuha ng professional na wedding planner cum coordinator, ang nag-asikaso ng details ng kasalang ito ay ang mga hipag-to-be ni Shalani na sina Berna (Puyat) and Mons Romulo (formerly Tantoco).

Kaya asahan na mas magiging emotional ang mag-anak lalo na sa pagtatagpo ng dalawa sa altar.

Anyway, balita ko’y hindi raw dadalo si Willie Revillame sa wedding ng dalawa kahit imbitado naman daw ito.

Ayaw daw ni Willie na maka-upstage sa couple, kumbaga, ibibigay na raw niya ang moment lalo na kay Roman.

Sa pamamagitan ng kasalang ito, maaaring matapos na rin ang tsismis tungkol sa balitang may relasyon sina Willie and Shalani, di ba? Buti naman kung gayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Good luck na lang sa dalawang malalaking celebrations na ito ng mga kasamahan natin sa industriya. We cannot wish them less – we hope for the best para sa kanilang lahat. Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending